"Sarili'y Pagyamanin, Pakaingata't Pakamahalalin!"

 "Ang kalusuga'y kayamanan, nararapat na ito'y ingata't pakahalagahan!"


"Sarili'y Pagyamanin, Pakaingata't Pakamahalalin!"

       _Teofilo S. Valicuatro Jr. 


I. Angking kalusuga'y siyang ugat ng kariwasaan;

Pugad ng kalakasa't ligayang walang humpay!

Batong tuntungan sa kasaganaa't kaginhawaan;

Bapor na lulan-lula'y kumikislap na kaluwalhatian! 


II. Yaring salapi'y aanhin, kung ang katawa'y sakitin? 

Mapaparam yaring sigla't sa kahapisa'y madiriin, 

Kaligayaha'y magiging mailap na animo'y 'sang lawin;

Magkagula-gulanit nilalaman nitong damdamin!


III. Iukit sa isipang kalusuga'y likas na yaman;

Biyayang 'di matutumbasan ng kahit na ano pa man!

Sa halip na alupustai't tahasan itong pabayaan;

Nararapat na kalingai't laging pakaingatan! 


IV. Nang dahil sa tiniklup-tiklop na mga gawain;

Kalusuga'y 'di naaalintana't nabibigyang pansin!

Magkaminsa'y napababayan halaga nitong angkin;

Naisalilista sa tubig na kailangan itong arugain!


V. Buhay mag-aanimoy sinindihang kandila, 

Kung yaring kalusuga'y 'di nabibigyang halaga;

Utay-utay na maglalahong animo'y 'sang bula;

Na posibleng mangyayari sa isang pikit-mata! 


VI. Kaya hirang, gaano man karami ang 'yong gawain, 

Sarili nawa'y pagyamanin, pakaingata't pakamahalin;

Kapagka ito'y biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa'tin;

Natatanging pagpapalang susi sa'ting mga adhikain!


#happy_29th_monthsary 😊

#God_Bless 🙏

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)