"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)
“H.M.M.K.S.P.A.K”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
Araw’y lumilipas
Kasikata’y kumukupas
Puno’t dahon ng kapighatia’y
nalalagas
Pero ang bukod-tanging binhi ng
pagsintang wagas
Kailan ma’y ‘di kumukupas at lalong
‘di nagwawakas
Puso ko’y pumipintuho na naman
Sa isang maalagima’t na dilag na
hapo’t hapis ng kaalindugan
Janice Cadao Pagulong Amoncio ang
buo niyang pangngalan
Pinagkaloob sa kaniya ng butihin,
mapagmahal
at mapag-aruga niyang mga magulang
Nang nasilayan kita
Facebook account malimit na
ini-stalk sa tuwi-tuwina
Di naagapa’t lumala
Nagbunga ng mahiwagang kataga
Yumabong at mas naging dakila sa
tawag na “PAGSINTA”
Bituin ma’y susungkitin
Asin’y patatamisin
Di maliparang-uwak na papawirin
Ay pilit kong lilipari’t
hahagilapin
Makamit lang pag-ibig mong kay
kislap at kay ningning
H.…….M…..….M……..K……..S….....P……..A……...K…….
Binubuo ng walong letra
Subalit nabibihisan ng mala-gintong
kataga’t taktika
Na nagsasabing “Hayaan Mong mahalin
Kita sa Paraang Alam Ko”
Paraang patago
Paraang palihi’t pasikreto
Paraang nagpatatatag ng loob ko
Paraang nagmulat sa mala-niyebe
(natutulog) kong puso
Ma’am J. P. A.
Bago magtapos ang sulatin kong ito
Samut-saring mala-tanikalang kataga
na namumutawi sa isipan ko
Na nangangailangan ng kongkretong
kasagutan mula mismo sa’yo
Mahal kita, perong wala ng tayo
Inaandukha kita, pero ‘di mo ko
gusto
Pinapangarap kita, iba ang
inaambisyon mo
Nakahihiya mang aminin, pero dahil
sa’yo natuto akong maging asyumero
Kung tayo man ay magkita
Ikaw’t ako nawa’y lilikha ng panata
At ito yaong nais kong maging paksa
“Ako’y sa’yo at ikaw’y Akin lamang”
Diba napakagandang pakinggan ?
Subalit mas higit na naging
kaaya-aya itong pakinggan
Kung ikaw mismo ang siyang
namimitawan sa naturang panumpaan
Question and Answer Portion muna
tayo
Ako ang hahagis ng tanong at ikaw
ang magbibigay-tugon
Ma’am may pag-asa ba ako?
________________________________________________
Kung naaaninaw mo, sinadya ko
talagang lagyan ng espasyo
Para maisingit mo ang sagot mong
kinapapanabikan ko
Tapos na tayo sa tanong at sagot
portion
Love-Proverbs na naman tayo ngayon
“Sa dahoon ng Sampaguita
Sa PUNO ng Mangga
Doon mo Makikita
Ang letrang mahal KITA”
Ma’am Janice Pagulong Amoncio
Mahal kita! Mahal na Mahal kita!
Gusto mo ba ng Love-Trivia?
Ito basahi’t damhin mo
1. “Naimbento
ang mga katagang pinipithaya kita (minamahal kita)
Magmula nang nasilayan kita”
2. “Kung
papipiliin ako ng dalawang pinakamahalagang
bagay na mapanghahawakan ko
Mundo’t axis ang bukod-tanging
pipiliin ko
Ako yaong mundo
At ikaw naman ang AXIS ko
Sa ganitong paraan nakasisiguro ako
na sa’yo lang talaga
iikot ang buong mundo’t buhay ko”
Sa totoo lang wala talaga akong
ibang maipagyayabang sa’yo
Di kasi ako guwapo, lalong-lalo ng
hindi ako perpekto
Pero ang masisiguro ko lang
mamahalin kita hanggang
sa huling pintig nitong aking puso’t pulso
Nagugutom ka na ba sa kababasa mo?
Aba! walang problema
Ngayon, Food-ibig na naman tayo,
para maiwaksi
‘yang gutom at bagot mo
Sisimulan ko na, “Oh ito BIKO,
ipinagkakaloob ko
sa mga taong nagpakadalubhasa sa
larangan ng panloloko”
“MANGGA naman, para sa mga taong
pinaasa, umasa’t patuloy na umaasa”
“Oh ito pang RAMBUTAN, iniaalay ko
sa mga taong nagmahal ng tunay pero nagawa paring saktan”
Higit sa lahat hindi talaga mawawala
ang presensiya ng MANSANAS, na inihahandog ko para sa mga taong nagmahal,
nasakta’t naghanap ng lunas
Question & Answer Portion,
Love-proverbs,
Love-Trivia at at saka Food-ibig
Mga paksaing ating inihain sa
hapag-kainang-pag-ibig na naninimdim
Ngayon subukan nating sisirin ang
masukal na bahagi ng mga uri ng tayutay
“Ma’am kawangis mo’ y bituing
nagtatawanan sa gitna
ng mala-paraisong kaalapaapan”
“Ma’am Janice, ginto’t butil ng
perlas ka sa buhay kong nalulukuban ng karukhaan”
“Nagdiwang ang mga tala, buhat nang
mapagtanto nilang iniirog kita”
“Umuulan ng PUSO, buhat nang ika’y
nasilayan nitong aking mga mata”
Okey tatapusin ko na, ang sulat
kong ito
Pero hindi ang pagmamahal ko sa’yo
Kailan ma’y pag-ibig ko sa’yo’y ‘di
magbabago
Ito aninagi’t aninawin mo: H.M.M.K.S.P.A.K
H-AYAAN
M-ONG
M-AHALIN
K-ITA
S-A
P-ARAANG
A-LAM
K-O
#TO GOD BE THE GLORY
#GOD IS GOOD ALL THE TIME
#GOD IS LOVE
Comments
Post a Comment