"TALAIBIGAN"
"Ang Kalumbayan Kung Minsa'y Nalulunasan, sa Pamamagitan ng Pagbabakas-Muli sa Masasaya't Maririkit na Alaalang Minsan Nang Naging Bahagi ng Ating Buhay! "
"TALAIBIGAN"
_Teofilo Valicuatro Jr.
I. Isang obrang aking pinakainiingatan,
kasasalaminan ng ating nararamdaman,
bawat mukha nito'y kinapalolooban
ng mga alaalang, pagkamahal-mahal!
II. Talang lama'y kawikaan ng ating puso
ang katalataa'y nalilipos ng pagsuyo
bawat kawad, may kinatawang-simbolo
na sumasagisag sa ligaya nati't siphayo!
III. Buhat nang una tayong nagkakilala
hanggang sa nagkasalo tayo ng nadarama
sa Talang ito, malayang nababasa-basa
ang lahat ng mga naitipon nating gunita!
IV. Dito nakatala ang taon, buwa't araw
ng ligaya't pighating ating pinagsaluhan....
halimuyak ng alaala, 'pag sa isip ko'y dumalaw
puso'y namamanglaw, luha'y umaapaw.....
V. Kaya 'pag itong puso'y iginupo ng lungkot
muling binabakas, ang mga nagdaang lugod;
sugat ng pangungulila ko'y dito nagagamot,
sa TALAIBIGAN nating, galak ang kaloob.
VI. Talaibigang karugtong nitong dibdib,
ang 'yong tangan-tanga'y ligaya nami't ligalig;
kung binabasa ka'y unti-unti mong ibinabalik
ang pinagsaluhang alaalang sa karikta'y langit!
VII. Binuwag man kami ng distansiya't pandemya
sa oras ng kalumbaya'y kinakasangkapan kita,
ikaw na TALAAN ng aming pag-iIBIGA'y laging nagpapaalala;
na kailangang ingata't pahalagahan ko siya nang sobra-sobra......
VIII. Sa lungkot at ligaya ni sa hirap at ginhawa
Ika'y naging kasangguni, sa ngalan ng aming pagsinta
turingan ka mang simpleng obra sa pananaw ng iba
ngunit sa'ming dal'wa'y, mananatili kang 'sang gintong katha!
Pakatandaang:
"'Di Man Nila Nakikita Ang Tunay Mong Halaga,
'Di Man Nila Kayang Tanggapin Kung Sino't Ano Ka;
Pero Tandaan Mo Aking Sinta, Kamahal-mahal Ka't Napakahalaga!"
Kung tayo'y mga PAA, Ako ang KANAN, at Ikaw naman ang KALIWA;
Kapuwa natin hindi maaabot ang mga pangarap na ating inaadhika,
Kung magkahihiwalay tayo sa isa't isa!
"Kung Ako ang "PISI", Ikaw naman ang "SARANGGOLA", malaya kang lumipad
nang lumipad hanggang sa maabot mo ang mga pangarap na iyong inaadhika.
Habang pataas nang pataas ang iyong paglipad,
palakas din nang palakas ang "HANGINg" sa'yo'y sasagugupa.
Subalit h'wag kang mangamba't mag-alala,
sapagkat "itaTALI" ko nang mahigpit na mahigpit
ang sarili ko sa'yo........
Nang sa malakas na hambalos ng hangi'y 'di ka malulupig at mas lalang 'di ka magigiba!
#happy_31st_monthsary beyb Janice
#I_LOVE_YOU_SO_MUCH 💞
#stay_safe_always
#stay_strong 💪
#May_God_Bless_You_Always 🙏
Comments
Post a Comment