Tagalog Hugot Lines 2

 "Ang utak, kawangki'y itak, sa hasa'y napatatalas". 

Ang pagbabasa ng samu't saring tekstong nakaimprenta't nakasulat, 

Isa sa masustansiyang pagkain ng ating utak, 

Katarungan, kasarinla't katotohana'y naisasawalat;

Konkretong manifestasyon sa pagtatapat ng saloobing sa adhikai'y ubod-linis at tapat! 


#God_is_Love 💝


Ang kahapo'y 'di man maibabalik,

Kasariwaan ng gunita'y nananatiling matamis.

Katotohanang ubod-pait, kailan ma'y 'di maiwawaglit.


#God_is_Love 💝


Ang buhay ng sangkatauhan, kawangki'y ilog,

May kaniya-kaniyang agos na sinusunod.

Makararanas man ng paglitaw't paglubog ni pamamayagpag at pagkaubos.

Magpatutuloy ang daloy, magpahanggang sa ang destinasyo'y masuot at maabot.


#God_is_Love 💝


Ang pinagsaluhang alaala, mumunti ma't ubod-salat, 

Nagkapunit-punit ma't nangagkagabitak. 

Angking halaga't katuturan, sa puso't diwa'y nakatatak. 

Burahin man ng hampas ng alon, pilit na mangingibabaw't sisibol, angkin nitong bakas. 


#God_is_Love 💝


Sa pag-aaral niyo'y magpursige, 

Bugtong ito't namumukod-tanging pasaporte. 

Nang ang kinabukasa'y bubuti, 

At nang maangkin, pangarap na minimithi. 


#God_is_Love 💝


Kung nasaktan mo ang kaniyang FEELING. 

Uminom ng KAPENG hitik sa paglambing. 

Suyuin nang taimtim nang ang sakit, sa kagalaka'y maisalin. 

Panaho'y suliti't pahalagahan ang pagkakatong siya'y iyo pang KAPEling. 


#God_is_Love 💝


'Di biro ang makaramdam ng sakit, 

Kaya ang sitwasyon, gaano man kapait. 

Sa'yong kapuwa, iwasan ang makapanakit.


#God_is_Love 💝


Ang mundo ng edukasyon, kawangki'y lutuan.

Isinaing ay ang buong kaakuhan ng ulang-bilang ng kabataan. 

Ginatungan ng sari-kulay na payo't karunungan. 

Pinaliliyab ng nagbabaga't nag-uumapoy na pagmamahal at paggabay ng kaguruan! 

Pampalasa'y marubdob na didikasyo't positibong adhikaing tigib ng nag-aalab na kadakilaa't kaluwalhatian. 

Nang maluto, sa hapag ng buhay, ang inihai'y bituin sa kinang na kinubukasan ng kabataan.


#God_is_Love 💝


Ang modyul animo'y buhay ng sangkatauhan. 

Kabuluha'y nakakubli't sadyang hiram lamang.

Ang mga pagsasanay na rito'y nakalaan, 

Kawangki ng hamo't suliraning ating pinagdaanan, pinagdaraana't mapagdaraanan. 

Malalimang pag-unawa, pagsusuri't paghihimay-himay, ang siyang bukod-tanging kailangan.

Nang ang kasukalan ng talinghagang balakid sa pagtamo ng karunungan. 

Mahahawi, mahahawa't tahasang matutuldukan! 


#God_is_Love 💝


Modyul na sasagutan, gaano man karami. 

Pahinga't oras sa pamilya'y h'wag ipagkait sa sarili. 

Sa paglalaan ng oras, pagsumikapang maging balanse. 

Ang pagbibigay ng kasagutan, isadiwa't isapuso parati.


#God_is_Love 💝


Puso't diwa'y panariwain,

Sarili ihanda sa mga tungkulin.

Ito'y gampaning kailangang tuparin.

Sa sansinukubang kinabibilangan natin. 


#God_is_Love 💝


Maging matapat sa sarili, sa tuwi-tuwina. 

Tandaang kung anong ipinunla, siya ring magiging bunga.

Pagsumikapang matamo ang mabuting karma. 

Nang ang buhay ay matigib sa ligayang walang kapara.


#God_is_Love 💝


Sadyang kaysarap sa pakiramdam, 

Ang maaninag yaring ginintuang-ngiti ng mga mahal mo sa buhay.


#God_is_Love 💝


Yaong tipong inaaway mo ako,

At sa'yo, ako'y tahasang nagtatampo. 

Pero 'pag nginitian mo 'ko, bati na tayo.


#God_is_Love 💝


Iyang mga ngiti, gaano man kasimple. 

Magkaminsa'y naging gamot, sa nadaramang pagdadalamhati.


#God_is_Love 💝


Mga ngiti'y h'wag ipagdamot sa kapuwa, 

Malay natin ito'y maging lunas sa suliraning tangan-tangan nila.


#God_is_Love 💝


Mahalaga ang ngumiti, lalo't masaya ka. 

Pero mas naging mas makabuluhan ang pagngiti, kung may napasasaya ka. 


#God_os_Love 💝


Ang ngiti, kapara'y silahis ng araw. 

Sa sinag na angki'y, buhay ay magiging sari-kulay.


#God_is_Love 💝


May ngiting nakahuhumaling, 

Mayroon ding nakalulubag-damdamin.

Ang pagngiti, nawa'y pakaaraw-arawin. 

Nang ang lumbay, sa kasiglaha'y maisalin.


#God_is_Love 💝


Ang pagkamamali'y kalikasan ng tao, 

Sa paraang kaaya-aya, nararapat itong maiwasto.

At hindi sa paraang ang naturang tao'y maglalakad na animo'y natutunaw na asin sa harap-harapan ng 'di mahulugang-karayom na taong nakapalibot dito. 

Nawa'y maging mulat ka sa katotohanang sa mundo, ninuma'y walang perpekto!

Subukang isapaa ang sapatos ng kapuwa mo. 

Nang sa gayo'y ang butas-karayom na sitwasyong kinahharap nila'y mapagtatanto mo!  


#God_is_Love 💝


Hindi masama ang manghusga ng kapuwa, 

Tiyakin mo lang na 'sang daang bahagdan, perpekto ka! 

Magkaminsa'y panay hanap-mali ka sa iba. 

Sa kahahanap mo ng mali, roon pala butas ka! 


#God_is_Love 💝


Ang isipan ninuman, animo'y sinaing.

Ang lutong-diwang maihahai'y, 

Nakaangkla't nakasalalay sa iginatong na turong may puso, hango sa mga nakatatanda sa'tin.


#God_is_Love 💝


Ang Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa't Pagsusulat nang may malalimang Pag-unawa, 

Ay ang mga Makrong Kasanayang nararapat na maipunla sa puso't diwa ng mga bata. 

Nang matuto sila sa pagninilay-nilay, pagpipino't paghihimay-himay, pagsusuri nang may malalimang pag-aanalisa. 

Sa kalipunan ng mensaheng nakakalap nila, hindi lamang sa mga babasahin kalakip na ang sa mga nagtatampukang hatirang pangmadla! 


#God_is_Love 💝


Kasang-angawang bilang ng mga tao ang nakararanas ng sitwasyong nakatuntong sa numero. 

Kung katotohanan ang gagawing salalaya't sandigan, wala ninuman ang may gustong mangyari to! 

Kaya sa halip na magsiraa't magbangyan, bakit hindi nalang tayo magkaisa't magbayanihan para matuldukan ang gulo?! 


#God_is_Love 💝


Ang ibubunga ng puno'y depende sa kung anong binhi ang ipinunla. 

Kung ano'ng puno'y siya ring magiging bunga. 

Hindi namumunga ng santol, ang punong mangga!

Kaya ang gawi't kaugaliang ipinasisilay ng mga bata, 

Salami't repleksiyon ng pamilyang pinag-ugatan nila! 


#God_is_Love 💝


Ang impluwensiyang halaw sa barkada, gaano man kasama. 

Mangingibaw't mangingibaw pa rin ang kabutiha't kabusilakan ng loob ng 'sang nilikha. 

Depende sa kung paano hinubog ng mga magulang ang gawi't kaugaliang mayroon siya! 

Ang maayos at matibay na pundasyon ng kaasala'y nakaugat lagi sa ginintuang turo't payo mula sa pamilya! 


#God_is_Love 💝


Ang maayos na pakisasalamuha sa'yong kapuwa. 

Ay isang mabisa't makabuluhang paraan nang mahubog nang husto ang tiwala sasarili ng 'sang nilikha. 

Ito'y kaniyang kasasangkapin sa pakitutungong gagawin sa umuulang-bilang ng taong maglabas-masok sa buhay niya! 


#God_is_Love 💝


Ang pagtatrabaho, usad-pagong man kung tawagin.

Kung seryoso, may may malinis na adhikai't bukal sa damdamin. 

Sa oras na itinakda'y kaya 'tong tapusin. 

Iukit sa puso't isipang, "Huli ma't magaling, ay nahihibol din!"


#God_is_Love 💝


Ang mahihina'y lumalakas, tumatapang naman, mga nilikhang buntot ay nakabahag. 

Pang-aalipusta't paniniil, sa kanila'y 'wag ipalasap at igawad.

Kapagka, ang sitwasyon 'pag nagkabaligtad, 

Kabasaan ng papel mo'y tiyak na mailalantad! 


#God_is_Love 💝


Iyang langgam, gaano man kaliit. 

'Pag kinagat ka'y makararamdam din ng kahapdia't pananakit.


#God_is_Love 💝


Alagang kalapati habang pinatutuka, 

Ano baga't sa puso ko'y umuukit ng tuwa.


#God_is_Love 💝


Karimla'y naging pampalasa't sangkap ng buhay natin. 

Nang sa gayo'y maaaninag at mapaaalab, angking tatag at ningning. 


#God_is_Love 💝


Tunay ngang lupa ang siyang pinagbuhata't lupa rin ang siyang babalikan! 

Sa kinamulatang sanlibutan, mapakinaumaghan, katanghalia't buhay na karapit-hapunan. 

Yaring lupang siyang inaapakan, sa'ti'y siya namang tutunto't aapak sa oras ng kamatayan.

Ito'y iukit nawa sa puso't isipan, at sa tubig ay huwag isalista magpahanggang sa libingan man! 


#God_is_Love 💝


Ang paglulubid-buhangin, hangga't kaya't maaari'y pakaiwasan. 

Magiging matapat sa sarili't sa bawat panata't katagang pinamimitawan! 


#God_is_Love 💝


Ang tunay na katuturan ng buhay ay hindi nakabatay at nasusukat sa kung saan ka magaling. 

Ang konkretong salalaya't sandigan nito'y kung ano ang gawaing gusto mo't nakapagpasasaya sa iyong damdamin! 


#God_is_Love 💝


Ang ikaliliyab ng apoy, nakaayon sa panggatong na iginatong.

Ang ikatatagumpay ng 'sang misyo'y, nakaangkla sa tiwala sa sarili't malatanikalang determinasyon! 

 

#God_is_Love 💝 


Ang karagatan animo'y suliranin sa inaadhikang pangarap mo. 

Kailangang makisabay sa hampas ng alon at pumalalaot mula rito.

Tandaang ang layunin nito'y patibayi't patatagin ka nang husto.

Isabuhay ang aral na natutuna't natuklasan buhat dito! 

At gawing batong-tuntungan, sa direksiyong lalandasin mo!


#God_is_Love 💝


Kung ang bitui'y makakamit, yaring asi'y matatamis!

Ang imposible'y maisasalin sa posible, kung hangari'y ubod-linis. 


#God_is_Love 💝


Matitigib man ng panlalait, 

Buhay, mistula mang ampalaya sa pait.

Sa puso't diwa'y kabutihang malakuryente, ang siyang laging ikakabit!


#God_is_Love 💝


 Ang buhay ay tanghalan, lipos ng pagtatanghal! 

Bawat tagpo'y may naglalabas-masok na tauhan. 

Daloy ng pangyayari'y agos ng talon sa pagiging natural. 

Pagiging mapanuri'y siyang susi, nang ito'y mamalas at mararamdaman. 


#God_is_Love 💝


Sa likod ng lungkot nakakubli'y ligaya. 

'Pag hinubad ang baro't saya ng hirap, mamamalas ay ginhawa. 

Kung wala ang karimlan, ningning kailan ma'y 'di maisamamata ni madarama! 


#God_is_Love 💝


Ang panaho'y sadyang pabago-bago, 

Desisyo't naisin ng tao'y kawangki nito! 

Kawangis di'y nararamdaman ng taong mahal mo. 

Maaaring ngayo'y pagsinta niya'y totoo. 

Pero bukas-makalawa, maisasalin sa pabiro. 

O 'di kaya'y bukas-makalawa, iba na ang kaniyang gusto! 


#God_is_Love 💝


Matutulis na dahon ng damong nagsasayawan. 

Malalapad na dahon ng saging na nagkakawayan. 

Mga punong sa kiliting kaloob ng hangi'y naghihiyawan. 

Sa'kin kaloob ay kagalakang, tumatagos sa puso't isipan! 


#God_is_Love 💝


Ang pagkamamali'y likas na sa buhay ng 'sang tao. 

Katotohanang kailan ma'y wala ninumang makapagtatago.

Paghingi ng paumanhi't tawad, isinamandato't nararapat na isapuso. 

Nang ang kadalisaya'y mamayani, at maiwasan ang hidwaa't pagbaha ng dugo! 


#God_is_Love 💝


Bawat desisyong gagawin, pagnilaya't dapat na pakasuriin.


#God_is_Love 💝


Ang buhay ay mawawalan ng kabuluhan, 

Kung ang pangarap mo'y 'di mapagtatagumpayan! 


#God_is_Love 💝


Ang dulo, bago sapiti't marating, 

Yaring simula'y nararapat na tahakin! 


#God_is_Love 💝


Sadyang may mga bagay na kung ga'no kadaling sambitin, 

Kabalintunaan naman kung ito'y isabubuhay't gawin! 


#God_is_Love 💝


Katagang ipupukol nararapat na pakaisipin, 

'Pag naibato mo na'y mahirap ng bawiin. 

At baka ang sakit na maidudulot 'di mo kayang pahilumi't pagalingin! 

Kaya maging mapanuri sa lahat ng iyong sasabihi't gagawin. 


#God_is_Love 💝


Ang pagbubuhat-upua'y sa umpisa lang magandang pakinggan. 

Kalaunan sa puso't diwa'y unti-unting bumibigat, 'pag lagi ng tangan-tangan! 


#God_is_Love 💝


Anong silbi ng isinagagawang pagkapit, 

Kung sa iba'y tahasan ka ng ipinagpalit! 


#God_is_Love 💝


Ang hanapin ang "WALA'y" nakamihasnan nang (na+ng) tao.

Kaugaliang aywan ko kung may pag-asa pa bang mabago! 


#God_is_Love 💝


Ang pag-inog ng mundo 'pag iyong sinalungat. 

Buhay mo'y mawawasak, kalakip ang minimithing pangarap! 


#God_is_Love 💝


Ang kapayakan ng buhay, h'wag gawing komplikado, 

Wala itong maganda't kaaya-ayang maidudulot sa sarili mo! 


#God_is_Love 💝


Ang anino'y namamalas, sa esensiya't presensiya ng liwanag. 

Ang tunay na katapanga't katataga'y masusukat sa oras ng sulini't kalamidad! 


#God_is_Love 💝


Nawa ako'y maging 'sang suklay. 

Na siyang aayos at magpagaganda ng iyong buhay. 


#God_is_Love 💝


Kahit gaano ka pa ka bisi, 

Aba'y 'wag kalimutang maglaan ng oras para sa pamilya mo't sarili! 


#God_is_Love 💝


Lahat ng BIYAYANG mayroon ka ngayon, 

Ay halaw sa butihi't mapagpala nating PANGINOON. 

Sa KANIYA'y 'wag kalimutang magpasalamat, sa lahat ng panahon. 


#God_is_Love 💝


Sa dinami-rami ng nakasimangot sa mundo. 

Pinangarap ko tuloy na "sana maging CAMERA nalang ako". 

Kasi kahit papa'no, batid kong 'pag hawak nila 'ko. 

Mapangingiti ko sila nang todong-todo! 


#God_is_Love 💝


Hugot_Timawa


Ang santinakpang ina ng sangkalipian;

Sa tuwi-tuwina'y umiinog nang walang humpay;

Paakyat-panaog na lipos nang pakundangan;

Kamangha-manghang 'di nakadarama ng kahapuan.


Nawa'y magsilbi itong inspirasyon, 

Sa lahat ng nilikhang sinubok ng panahon;

Malilipos man ng samot-saring hamon;

Manalangi't manalig ka, asahang nasa likod mo palagi, Ang Mahal na Panginoon! 


#God_is_Love 💝


Ang mga taong nakapaligid sa'yo animo'y 'sang salamin.

Ngitian mo sila't sila'y ngingiti rin.

Hambalusin mo sila ng bato;

Baril ang igaganti nila sa'yo!


Sa maiksing pagsadidila,

"Ang pakitutungong ipinakikita sa'yo ng iyong kapuwa, ay nakaangkla sa pag-uugaling ipinakikita mo sa kanila!"


#God_is_Love 💝 


Sa halip na galit at paghihiganti, bakit 'di nalang kabutiha't pagpatatawad ang isukli o iganti?! 


Pakatandaan:

"Ang sinumang nagtatanim ng sama ng loob sa kaniyang kapuwa, umani man ng maraming bunga subalit kailan ma'y 'di ito makapagpaliligaya sa kaniya!"


#God_is_Love 💝 


Kung umigting yaring galit, ang unang isadidiwa'y kahihinatnang maaaring sumapit o kapalit!


Pakatandaan:

"Anumang gagawi'y subukang paghunus-dilian; nang 'di mauwi o magbunga ng kasindak-sindak na pangyayaring siguradong iyong pagsisisihan! "


#God_is_Love 💝 


Ang 'sang bagay bago gawin, pangangatawa'y siyang laging unang iisipin.


Pakatandaan:

"Kung kaya mong pangatawana't panindigan ang diwa't gawaing iyong inihain;

Wala kang maaapakang karapata't dangal ni masasaktang saloobi't damdamin!"


#God_is_Love 💝


Ang buhay ay kandilang sinindihan, segu-segundo't minu-minuto'y utay-utay itong nababawasan.

Kaya bago ito maubos nang tahasan, pagsumikapang gawi't isakatuparan ang mga bagay na hitik na hitik ng kabuluha't karangalan! 


#God_is_Love 💝


Iba-ibang hugis, iba-ibang kulay;

Nilalama'y oras ng ligaya't lumbay;

Maging ng kariwasaa't karukhaan;

Ni ng pamamanaag at pamamanglaw!

  -"Orasan",12 pantig per taludtod


#God_is_Love 💝


Ang lahat ng bagay-mapamateryal o 'di materyal,

May kaniya-kaniyang natatanging kabuluhan;

Kung ang tao'y naghahangad ng pagpahahalaga't pagmamahal;

Gayon din ang mga naturang bagay! 


#God_is_Love 💝


Nagkaiiba-iba tayo ng sukat ng mga paa,

Gayon din ang landas na sa'ti'y itinakda;

Kaya, bago tayo kumatha ng paghuhusga;

Mga saoatos nila'y atin munang isapaa! 


#God_is_Love 💝


Sa kasagsagan ng lumalaganap na pandemya, 

Ang pagtulong sa kapuwa;

Nawa'y maging taos-puso't 'wag haluan ng pamomolitiko't pamomolitika! 


#God_is_Love 💝


Dilay nakatali, ang ilong ay gayon din;

Mga labi'y nakasulsi, mga mata'y nakapiring;

Diwa'y nakapiit, sa rehas ng dilim;

Puso'y nagpupumiglas, sa kuko ng kapalarang sa talim ay lawin;

Pamimighating iniinda'y likidong ubod-pait kung lunukin.... 

Kaakuhang nagkapunit-punit, maaari pa bang kumpunihin?! 


#God_is_Love 💝


Nang ang pamamayapa, sa'yo'y dumalaw at umakyat ng ligaw;

Nang ika'y nanahanan sa apat na sulok ng kahong nagsisilbi mong kanlungan;

'Di ka man lang malapitan, masilip, ni mapagmasdan;

Ubod-pait at sakit ang birong binitawan ng kapalaran!


#God_is_Love 💝


Kung mahal mo ang isang tao, hahayan mo siyang gumawa ng desisyong sa tingin niya'y makabubuti para sa kaniya.

Sa halip na pagkaitan siya ng karapatan at kalayaang sa kaniya'y tunay na magpaliligaya;

Bakit 'di pagtitiwala't taos-pusong suporta ang sa kaniya'y iyong ipatatamasa?

Kapakana't kaligayahan niya ang dapat imong inuuna, kung minamahal mo talaga siya nang sobra! 


#God_is_Love 💝   


May iisang yugto o agos ang sinusunod na'tin sa buhay gaya ng madaling araw (kapanganakan), kinaumagahan (kabataan), katanghalian (hustong gulang), karapit-hapunan (katandaan), takip-silim (paghihingalo), at kinagabihan (kamatayan).

Proseso'y talimain nang ayon sa tungkuling sa'ti'y itinakda o inihain! 


#God_is_Love 💝 


Ang kakayahang magsadiwa't magsadila'y siya nating ikinahihigit sa lahat ng nilikhang sumibol sa santinakpang ating kinalakaha't ginagalawan.

Kaya kung kaya o 'di kaya'y kung maaari, gamitin natin ito sa paraang kaaya-aya at sa paraang makabuluhan ni sa paraang napapakinabangan.


#God_is_Love 💝


Tayo ang siyang namumukod-tanging arkitekto ng sarili nating kapalaran.

Ang ikatatagumpay nito'y sa mga kamay natin nakasalalay!


#God_is_Love 💝 


Kung ako'y magiging paruparo, sa kabilang buhay;

Hirang, asaha't ako sa'yo'y laging nangagkababantay! 


#God_is_Love 💝


'Di ko kayang higitan, angking sipag ng kalabaw, ni ang pagtitiyagang sa pagong mo maaaninaw.

Kaya ko namang maging 'sang metikulusong doktor na mangangalaga sa kalusugan ng ating pagmamahalan.

Ngunit ang BAHAng ating naranasa'y 'di na maibabalik, sa Bundok-Tabor nitong pinagbuhatan! 


#God_is_Love 💝

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"