PINAGIGITNAAN (Spoken Poetry)

 "Ang araw at buwan 'di man maaaring pagsamahin sa iisang panahon;

Pero kapuwa sila may iisang santinakpang pinahahalagahan sa lahat ng pagkakataon!"


"PINAGIGITNAAN"

   _Teofilo S. Valicuatro Jr. 


Mahal, kamusta na?

Nawa'y lagi kang nasa maayos na kalagayan sa'n ka man magpunta!

Batid mo naman sigurong ang maging OKEY ka'y siya kong inaadhika sa tuwi-tuwina.

Ang kaligayaha't kaligtasan mo'y siyang lagi kong hinihiling kay Bathala.

Kaya sa landas na iyong tinatalunton, nawa'y mag-iingat ka.

At sa agos ng buhay na iyong nilalayag, magpakatatag ka o, aking sinta!


Ang pag-inog ng mundo'y ano baga't kidlat sa bilis;

Gayon din ang panahon, kung makapagpapalit-damit!

Ang ika-30 buwan buhat nang ang puso nati'y nagkaisa't binigkis ng pag-ibig;

Sa kabanatang ito, ay tahasang dumatal at nangagkalalapit!

"Happiieeyy 30th Mantsariieey O, aking sintang ubod-rikit;

Pagbating hango mula sa kaibuturan ng aking puso't isip.

Pangakong iingata't mamahalin ka gawin mo pang saksi ang langit. 

Sa puso't diwa mo'y ipinta't kailan ma'y huwag na huwag itong iwawaglit!


Tunay ngang ang buhay ay hitik sa sarkastikong may tangang hiwaga. 

Kapagka tayo ma'y kapuwa PINAGIGITNAAN ng distansiya't pandemya;

Subalit patuloy na nag-uumapaw sa kasaganaan ang nililok na pagsinta!


Kaya kung ating pakahihimayi't pakadidili-dilihin,

si "I" at "YOU" o ikaw at ako'y PINAGIGITNAAN ng "LOVE" (i "love" you) o pagmamahal na taimtim;

Pagmamahal na walang kondisyo't nakariin, pagmamahal na sa angking karikta'y nagmimistulang isang bituin!


Oo, luging-lugi ako sa inINVEST kong "KAWALAN NG TIWALA" at "PAGDUDUDA" sa loob ng mga nagsilabas-masok na panahon.

Pero palago nang palago naman ang "TIWALA" at "PAGMAMAHAL" na inINVEST ko rin sa'yo sa nagsidatinga't nagsilisanang pagkakataon!


Ito'y isang konkretong patunay na kahit tayo'y PINAGIGITNAAN ng "Kaligayaha't Kahapisan";

Maging ng "Nagsitataasang Kabunduka't Malawak na Karagatan";

Ni ng "'Di Maliparang-uwak na Espasyo't Makabuluhang Oras na Ubod ng Kailapan";

Subalit higit na umiIGTING ang kaTATAGan ng pagmaMAHALang ating pinagSALUHA't iniINGATAN!


Mga piring sa mata'y tanggalin, maging mulat sa katotohanang "Hindi Hadlang ang Layo o Distansiya, Para sa mga Nilikhang Marunong Umunawa't Magtiwala ni Tumupad sa Inukit Nilang PANATA!"


#happy_30th_monthsary

#i_love_you 😘


#God_is _Love 💕

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"