"PAGSISISI"
"ISISISGAP"
_Teofilo S. Valicuatro Jr.
I. Kapagka ang ningas ng apoy, sa'ki'y nakaugat;
Nilulunggati'y pukulin mo, ng umuulang-sumbat!
Ang pagsasamang dati-rati'y lipos ng pag-iingat;
Kapabayaan ko, ang dito'y, dumudusta't bumibiyak!
II. Hapdi't kirot, ang sa puso't diwa'y bumibigkis;
Kaakuha'y namimilipit, sa iniindang ubod-sakit!
Palaso'y naiilagan, ngunit hindi ang pananangis;
Bawat luhang pumapatak, PAGSISISI, ang siyang ibig!
III. Kung ang tiwala mo sa'ki'y nanlilimahid;
Karagata'y lalanguyin, MULI ko lang itong masisid!
Kung sa damit, ito ma'y nangagkagugulanit;
Aking kukumpunihin, ang bahaging, nagkapunit-punit!
IV. Hayagang PAGSISISI ang sa'yo'y ipinasisilay;
Sa adhikaing makipagbati, ito ang konkretong patunay!
Pusong nakalubog sa lawang pighati, pano mapalilitaw?
Diwa mo nawa'y isabibig, nang aking maulinigan! ðŸ˜
V. Ano ang gagawin sa pagkukulang na nalalang?
Nawa'y turan mo, nang ito'y aking mapunan!
Pa'no ba maitutuwid, yaaring kamalian?
Isadila mo, nang aking magampanan!
VI. Ang bukang-liwayway, bago tahasang sumilay;
Mayroon na itong liwanag na inaakay-akay!
Puso't diwa mo nawa'y magtampisaw, sa lawa ng kaluwalhatian.
Mangagkahihilom ang lahat ng sugat, na dito'y aking nalalang!
#God_is_Love 👉💕👈
Comments
Post a Comment