Magkatugmang Nararamdaman, Kawangki'y Tulang Panugmaan. 'Pag Isinalalabi't Pinakikinggan, Karikta'y Tumataginting sa Puso't Isipan"

 Pakatandaan:

"Magkaiiba-iba man ang hugis ng buwan, 

Mananatili pa ring buwan, kung 'to'y pakaturingan. Kawangki nito ang ating puso't isipan. Magkaiiba-iba man ang ating adhika't paninindigan. Magkaiiba-iba man ang lupang ating kinamulata't kinalakhan. Ang mahalaga'y Iisa't Magkawangis ang ating Nararamdaman!"


"Magkatugmang Nararamdaman, Kawangki'y Tulang Panugmaan. 

'Pag Isinalalabi't Pinakikinggan, 

Karikta'y Tumataginting sa Puso't Isipan"

      -Teofilo S. Valicuatro Jr. 


I. O sintang bukod-tanging hirang,

 Bituin sa kislap, angking karikitan. 

 Ngiting sa katamisa'y pulot-pukyutan.

 Kaloob ay ligayang 'di mapapantayan. 


 II. Ang ibigin ka't diligan ng paggalang, 

 Panatang inukit, kinalinga't iningatan.

Kasariwaa'y sa kaugatan nananahanan,

Tatalimain magpahanggang sa libingan man! 

 

III. Tiwala't pang-unawa mo'y siyang pinanghahawakang butil-perlas. 

Sa haligi ng pagsasama, kaloob ay ginintuang-lakas! 

Ang lilim ng kandungan mo, hatid ay ligayang-tanikalang 'di mapipigtas. 

Sa hapag ng pagsinta, inihai'y kagalakang-mahalimuyak na 'di magwawakas! 


IV. Sa likod ng distansiyang sa'ti'y pumagigitna, 

Gamit ang hatirang pangmadla, pagsinta'y naihahatid at naipakikita! 

Nililok na relasyo'y naging punong kahoy ang kapara.

Lumaki, yumabo't nagkabunga, dahil sa idinilig na kalinga't pag-unawa. 


V. Tibay at tatag ng pag-iiruga'y sa katapatan ng panata nakaangkla.

'Pag ang dal'wang magkabyak naging matapat sa isa't isa.

'Di madaraig ng mahalimuyak na sulsol ng katuksuang umaaligid sa kanila.

At ang katiwasayan ng pagsasama, sa mata ninuma'y maging kaadhi-adhika. 


VI. Kapagka ang kaibuturan ng nadarama'y itinakdang magkatugma. 

Kahawig ay panulaang tigib ng talinghaga't tugma. 

'Pag isinalabi't pinakikinggan ang pilit-pinong mga kataga. 

Karikta't aliw-iw ay tumataginting sa isipa't pandama! 


VII. Kaya sa puso't isipa'y isatitik ang katotohanang nag-aalab. 

"Kung ang ibong sa 'di maliparang-uwak na kaalapaapa'y malayang lumilipad, 

'Pag hinuli't ikinulong, sa kapighatia'y mangingiyak-ngiyak."

Buhay ng magkatipa'y ganito ang maging kawangis 'pag sapilitang binubuwag! 


VIII. Yaring sitwasyo'y magmimistula mang nakatuntong sa numero. 

Paggiliw ay 'di magbabago, ililok mo sa bato! 

Maging ang landas na butas-karayom, ay tatahaki't susuungin ko. 

Katotohanang nararapat isapluma, sa puso't diwa mo! 


IX. Ngayo'y pakingga't pakaramhin, bukod-tanging hinihiling. 

Sa ikal'wang taon ng pagmamahalang sa hapag-sintang pinagsaluhan natin. 

"Kaligtasa't malusog na pangangatawan, nawa'y sa puso't diwa'y isasaing.

Nang maluto'y iyong maihain umuulang pagpapala't basbas hango sa mahal na PANGINOONG siyang nagawad, nagbigay sa'tin! 


X. Kahit halos lahat ng oras mo'y sa modyul nakatalaga. 

Sa'kin kailan ma'y hindi ito nagiging problema. 

Basta h'wag kalimutang maglaan ng oras sa sarili't pamilya. 

At matutong magpahinga kung ika'y napapagod na! 


XI. Ang pag-inog at pag-agos ng panahon, kung hihimayi't susuriin.

Gabundok na hamo't sulirani'y, ang siya pang kahaharapin! 

Sa tuwi-tuwina, puso't diwa'y patibayi't mas lalong paigtingin. 

Nang 'di matibag at maigupok ng malaalimpuyong suliraning siyang susubok sa katapata't katatagan nating angkin! 


XII. Nang ang hamo't sulirani'y malabanan nang buong tapang.

Panalangi'y siyang gawing kalasag at kasangkapan! 

Kapagka ang bisa ng angkin nitong kapangyarihan, 

'Di mapapantaya't hango sa'ting Poong Maylalang! 


Pakateman-e:

"Ang panlawas nahisamas' usa ka nagaandar nga makina, 

Kung wala nay tubil, magkahinay, magkaluya'g di na mugana. 

Maong ang pagkao'g pagpahuway ayaw'g kalimte'g sa kanunay pagabuhata. 

Arun ang kabaskog sa panlawas ug katin-aw sa huna-huna'g kasing-kasing maanaa kanunay sa imoha" 


#happy2ndanniversary 💖

#GODISLOVE 💖❤💖

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"