"Nananatili't Mananatiling Ikaw!"

 "Kung sa pag-inog ng santinakpan, pagbabago'y siya nitong tangan-tangan;

Likas mang nagbabago ang lahat ng bagay;

Ngunit sa puso't diwa ko, aking hirang..... 

Nananatiling Ikaw!"


      "NANANATILI't MANANATILING IKAW"

               _Teofilo S. Valicuatro Jr. 


I. Tayo animo'y dalampasigang magkabilaan,

na pinagigitnaan ng 'di maliparang-uwak na karagatan;

ang isa't isa'y kapuwa 'di maabot-tanaw;

sa layo ng distansiyang sa'ti'y namagitan.


II. Kung uri't paraan ng paglalapi'y siyang pag-uusapan;

tayo'y 'di unlapi't gitlapi, ni hulapi't laguhan;

agwat ang siyang konkretong patunay;

na sa uring Magkabilaan, tayo maihahanay!


III. At kung ang iitaliko nama'y ang santinakpan,

Hilaga ako't ika'y Timog aking hirang;

kung ako'y Silangan, ikaw yaring Kanluran;

tayo'y pinalilibutan ng Dagat Atlantiko't Pasipikong puwang! 


IV. Guhit Longhitud at Latitud ang siyang katibayan;

kalakip ang iba pang "Imaginary Lines";

na ang mismong Ekwador na sa'ti'y namagita'y;

siyang nagsisilbing balakid sa'ting pag-iibigan.


V. Kung ang unang apat na sakno'y 'sang Lambat,

"DISTANSIYA", ang isdang ating mahahagilap;

ang bangayan sa relasyo'y rito nakaugat (distansiya);

 distansiyang siyang sanhi ng pagkawatak-watak!


VI. Ngunit ang distansiya sa positibong pananaw,

sa ngalan ng TIWALA'y nagsisilbing HUBUGan;

sa Lutuan ng pagmamahalang ating pinagsaluhan;

distansiya'y naging panggatong sa'ting Katatagan! 


VII. Gaano man kalayo ang distansiyang namagitan;

sabihin mang sa pag-inog ng santinakpa'y,

PAGBABAGO ang siyang tangan-tangan;

Ngunit sa Puso't Diwa ko, aking hirang.... 

Nananatili't Mananatiling IKAW!


VIII. Nalalagas ang dahon sa kaniyang kapanahunan;

kakupasa'y siyang hahantungan ng kariktan;

yaring Alpha't Omega'y 'di man maiiwasan;

ngunit mahal, nawa'y iyong pakatandaan.... 

"Sa puso ko'y mananatiling ikaw!"


IX. Kapagka ang distansiya'y 'di alintana,

maging ang hirap bunga ng pangungulila;

kung siya'y minamahal mo talaga;

'sang daang bahagdang pagkatitiwalaan mo siya! 


Pakateman-e:


"Anaay pag-usab ang mga nagkadaiyang panghitabo matag-irog sa taknaan;

Samang dunay paghunas-taob ang kadagatan.

Ang kausaban nahimong kabahin sa'tong kinaiyahang di nato kapugnga'g kalikyan.

Apan bisan pa man sa gikapamulong kong kamatuoran;

Mahal, nagpabili'g magpabilin kang bituong gakidlap-kidlap niining akong dughan!"


#Happy_33rd_Monthsary

#I_Love_You_💞


#May_God_Bless_Us_Always_🙏

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)