"PAMAMAALAM"
"P... A.... M... A.... M... A... A... L... A... M..."
_Teofilo S. Valicuatro Jr.
I. O, buhay, sa laot ng kahiwagaan, ika'y nangakalulutang;
Kung sa libinga'y may susubsob, sa sinapupuna'y may lilitaw;
Kung may mga paang nangagkapapantay, may bagong binhing susungaw;
Kung may gabundok na kaligayaha'y mayro'n ding karagatang-kahapisan.....
O, Buhay!
II. Buhat nang ang binhi sa lupa'y ipinunla, inulan ng pagmamahal, binungkal ng kalinga;
Kaugata'y nangakatitibay, kaanyua'y sumagana, karahuna'y lumalabay, tumitibay yaring sanga;
Sa kandungan ng araw, may bulaklak na tumunghay, at kalauna'y nagiging bunga;
Nang mahinog ay nalagas, uutay-utay na naaagnas, ang binhing ipinunla sa lupa, babalikan di'y lupa......
O, Buhay!
III. May oras ng pangungutang, gayon din ng kabayaran;
May ALPHA-OMEGAng salamin ng "UGAT at pagkaPARAM";
Sa bawat sinag ng ligayang sumilay, sumisilay't sisilay sa puso't diwa ninuman;
Mayroon ding nangagkadudulog na ubod-sakit na
P.... A.... M.... A.... M.... A.... A.... L.... A.... M.....
O, Buhay!
IV. Lupang inaapakan sa kasagsagan ng buhay;
Lupang salami't sasalayan ng katataga't kadakilaan;
Lupang tutungto't lulukob sa oras ng pagpanaw;
Lupang pinagbuhatan ng sangkalipian, lupang siya ring babalikan!
#Pahulay_nga_dayo'g_malinawon_Ate ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
Comments
Post a Comment