Makatang-manunula ng Buhay Mo"

 Ang pagkatha ng tula, kapara'y paniningalang-pugad sa minimithi't nililiyag mong dilag. 

Kataga'y piling-pili, inaakma sa panlasa't pandama ng makatang sa kasukalan ng talinghaga'y naglalayag. 

Angking nilalama'y isinaing sa nagbabaga't nag-uumapoy na adhikaing nilalayong maihatid at maipahahayag! 

Kumukulong nadarama't diwa'y kusang nananalatay't tumatagos sa kaakuhan ng nilikhang taos-pusong hinahangad.  


"Makatang-manunula ng Buhay Mo"

             -Teofilo S. Valicuatro Jr. 


I. Yaring mga tulang sa'yo'y iniaalay, 

Nilalamang angki'y, pagsintang tinataglay. 

Pag-irog, na sa kaugata'y nananahana't nananalatay, 

Sinibulan ng gabundok, na ligaya't lakas ng buhay. 


II. Bawat linyang nakaimprenta, tahasang sa'yo'y nakatalaga. 

Ang pagbabasa nang may taos-pusong pagdama't pag-uunawa, 

Sa loob ng puso mo'y mag-ukit nawa, ng ligayang walang kapara. 

Ligayang rekado't siyang pampalasa sa angking linamna't halimuyak nitong tulang-katha. 


III. Mundo ma'y makararanas ng masidhing El Niño, 

Kathang mga tula'y mag-Lalaniña sa buhay mo. 

Uulani't babahain ka ng kumpul-kumpol na pagsintang mutya't taos-puso. 

Mag-aanimo'y rosas na dinidiligan ng pagmamahal at kalingang todong-todo. 


IV. Sa halip na brilyante't pera, ang sa buwanang-kabanata ng pagsinta'y ihahandog, 

Ito'y hahalilihan ng mga linyang, sa puso'y nakagagana't nakabubusog. 

Bukod-tanging mithi, pagsintang inihahain sa'yo'y makapagpalulusog. 

Nang ang hapag-sinta, sa hamo't sulirani'y, 'di maitataob ni mailulubog. 


V. Kawad ng mga katagang sa'yo'y ipinamalas, ipinarama't ipinalalasap. 

Pakaturingan man' napag-iwanan ng panaho't hitik ng gasgas. 

Halaga't katuturang angki'y sa isipan ma'y tumatagas, 

Sa puso'y namumuo't tumatatak, nag-iiwan ng ginintuang bakas! 


VI. Ngipin ng kidlat na banta ng distansiya, 

'Di makatitibag sa pinagsaluha't kinathang pagsinta. 

Pagsintang isinawsaw sa panata't tiwalang mataimti't ubod-dakila. 

Ibinunga'y pagsasamang walang kapara't hitik na hitik sa basbas at pagpapala. 


VII. Pag-ibig, pinamugaran man ng kasimplehan, nawa'y iyong pakatandaan. 

"Ang kapayaka'y kariktan, salamin ng tunay na alindog at yaman".  

Kawangis ay isang mumurahing "bubot at pandesal"

Simple man ang kaanyuan, garantisadong ubod-siksik sa angking linamnam. 


VIII. Ang mga barang sa'yo'y ipinadadala.

Sa tulong ng presensiya ng hatirang pangmadla. 

Kawangki ma'y gasgas at sira-sirang plaka. 

'Pag isinapuso ang pag-unawa, masisisid angking kinang na talinghaga. 


IX. Bilang 'sang makatang-manunula ng buhay mo. 

Tanging adhikai'y umukit at puminta ng kaligayahan sa malungkot mong mundo.

Ang masilayang umani ka ng ngiti sa mga tulang iniaalay sa'yo. 

Langit at lupa'y saksi, sa ligayang kaloob nito sa puso't diwa ko. 


Pakatandaan:

    "Ang pag-iingat ay puno't ugat ng kaligtasan. Sanga't daho'y kaligayahang, diniligan ng kadakilaa't kaluwalhatian."


Katipang siyang namumukod-tanging hirang. 

Kaligtasang angkin, sa'ki'y kaloob ay kaluwalhatian. 

Ngiti't tawang tinatangi'y, 'di man masilayan. 

Tanging mithi'y, kaligtasa'y mapanatili nang tuluyan. 


Maong...... "PAG-AMPING PERMI" 


#happy23rdmonthsaryof 💖❤💖

#GODISLOVE 💖❤💖

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"