"Puso't Diwa'y Lawiga't Buksan: Tantuhin ang Tunay na Dahilan, ng Pagkasasalang Sa'yo'y Minsan Ko nang Nalalang!"
"Puso't Diwa'y Lawiga't Buksan: Tantuhin ang Tunay na Dahilan, ng Pagkasasalang Sa'yo'y Minsan Ko nang Nalalang!"
_Teofilo S. Valicuatro Jr.
I. Ang opisyal na araw ng kaPUSUan, bago dumatal;
Tapós ng kathain ang TULAng, tanging sa'yo'y inilaan! Masusing SINURI, BinALANGKAS na BANGHAY;
Disenyo'y pinagtibay, mapasaya't mapangiti ka lamang!
II. Panaho't pagkakatao'y uminog nang ubod-tulin;
Ang gabi bago ang araw ng kapusua'y, dumating!
Nakipalitang-loob, binalak na ipa-prank ka pa man din;
Ang inaasaha't realidad, ano baga't ubod-hirap kung pagsamahin! 😢
III. Yaring "prank" ay nauwi sa pagkahalo ng balat sa tinalupan;
Nakipagpukulan ng mga salitang, sa puso't diwa'y ubod-anghang!
Ang nilulunggating surpresahen ka sa mismong araw ng kapusuan;
Sinong mag-aakalang SAMA ng loob, ang siyang hinantungan! 😭
IV. Nang sabihing "Ika'y 'di na Sinisinta", nang ang "Relationship Status ay Binura."
Yao'y tunay na bahagi ng "prank" na aking naisadiwa;
'Di ko namalayang sa limitasyon, ako pala'y lumagpas na!
Ni 'di sumagi sa isip kong, nasaktan na pala kita nang sobra! 😭
V. Elektrika de Silya man ang kaparusahang ipapataw;
Ito'y yayapusin nang walang pag-aagam-agam!
Nais ko lang itatak sa puso mo't kabatirang;
Nang ginawa ko yaon, ubod-linis ang hangaring, aking tangan-tangan!
VI. Ang hangaring malinis, kapalalua'y (pride) siyang bumahid.
Nag-iwan ng hapdi't kirot, sa puso mong nanlilimahid!
Panay paghingi ng tawad, laging laman nitong dibdib;
Sa adhikaing maisalba, ang niyurakan kong pag-ibig!
VII. Karma'y may paninging ubod-tulis, ni may taingang ubod-talas ang pandinig!
Sa nalikhang pagkakamali, sa lawa ng kapighatian, nagtatampisaw itong dibdib.
Ito ang tunay na pangyayaring minithi kong mabasa mo't mabatid;
Desisyo'y pakahunus-dilia't nang maisalba yaring pag-ibig!
VIII. 'Di ko mawari kung ang nilikhang tula'y iyong naisabibig;
Kapagka sa kabanatang yaon, panay kahapisan, niloob ng 'yong dibdib!
Subalit ang tulang ito nawa'y mabasa mo kahit saglit;
Nang iyong mauliniga't mabatid, panig ng iyong mangingibíg!
#God_is_Love 💖
Comments
Post a Comment