Tagalog Hugot Lines 1

 Sa nalalapit na kaarawan ko, 

Tanging hangad ko'y kaligtasa't kaluwalhatian ng lahat ng tao. 

At bumalik na rin sana sa NORMAL ang mundo. 


#God_is_Love 💝


Ang mga katagang ating binibitiwan, 

Animo'y matulis at matalim na kampila't punyal. 

Nakasasakit kapag ibinato nang hindi iniingata't pinag-iisipan.


#God_is_Love 💝


Ang pagbitaw ano baga't ubod-hirap, 

Tangan ang katotohanang, mamamanglaw ka't lalagapak. 

Kahapisa'y mangingibaw, sa puso't diwa'y tatatak. 

'Pag nagkaugat, kawangki'y inulan ng 'sang-angaw na sibat!


#God_is_Love 💝


Buhay na angki'y magkaminsa'y niyapos ng kamalasan. 

Kagalaka't kaligayaha'y maaninag na kusang nag-iilapan. 

Kadalisaya't kaluwalhatian, animo'y sa bungang-tulog masisilayan. 

Samu't saring suliranin, bumibigat habang pinapasan-pasan.


#God_is_Love 💝


Maliit ma't bubot sa tingin,

May pakinabang, kabuluha't hiwaga ring angkin. 

Kawangki ng bituing mumunti man sa paningin, 

Pero nakapaghandog ng liwanag sa mundong ginagalawan natin. 

Kapara ri'y gula-gulanit at hamak na basahan, 

Pagkatapos mong pagsawaan, maaari mong itapon kahit saan, 

Pero pakatandaang gaano man 'to hamak sa'yong pananaw;

Mayroon ding panahong ito'y 'yong mapapakinabangan.


#God_is_Love 💝


Kung babakasing muli, gunitang inukit sa nakaraan, 

Brilyante sa linaw, angking salamin ng katotohanan. 

Ang kawangki mo, pinipintuho kong hirang, 

Siyang humalina't rumahuyo, nitong pusong tigib ng kailapan.

Naningalang-pugad at nagbukas-dibdib, ipinarama't pinamalas angking nilalaman. 

Nasungkit, "OO" mong sa tamis ay pulut-pukyutan. 

Kinalinga't kakalingahin, magpahanggang sa libingan man. 


#God_is_Love 💝


Sa sangkatauhang nakaranas, nakararanas, at makararas pa ng sakit.

Nang dahil sa pagsintang, sa kanila'y ipinagkait. 

O, 'di kaya'y sa pag-iibigang hinog sa pilit.  

Magkaminsa'y mabisang kaparaanan ang kaloob ng pagtangis. 

Ito'y nakatutulong nang maibsan kabigatang namamayani sa dibdib. 

Makahihinga nang maluwag, makangingiti nang bukal at walang kasintamis! 


#God_is_Love 💝


Ubod-hirap, ang sumalungat sa malakas na agos ng alon. 

Magkaminsan, dito'y kailangang makiisa't makiayon.

Sarili'y, ibagay sa kadalisayang-inog ng panahon. 

Nang ang takbo ng buhay, mapanatiling matiwasay, sa likod ng kabalasikan ng mga sulirani't hamon. 


#God_is_Love 💝


Kapagka, angking imahinasyo'y siyang unang hakbang, 

Nang ang 'di maliparang-uwak na karununga'y matuklasa't makamtan. 

Sikaping ito'y magamit nang maayos at makabuluhan. 

Susi tungo sa kariwasaan ng buhay, tulay sa kinabukasang, kumikinang-kinang!


#God_is_Love 💝


Ang pagtatampisaw mo, sa laot ng aking gunita, 

Nitong puso't diwa, kaloob ay kaligayaha't kaluwalhatiang walang kapara.


#God_is_Love 💝


Sa likod ng kapusikitang naranasan, nararanasa't mararanasan sa'ting buhay. 

May pag-asa't liwanag na naghihintay at maghihintay. 


#God_is_Love 💝


Pagkapawi ng laot ng kapusikitan, 

Nakangiting naghihintay, ang liwanag ng buhay. 

Makibaka't paigtingin angking tatag at katapangan.

'Wag palulupig ni magpasisiil, sa sulirani't karimlang pinapasan-pasan.


#God_is_Love 💝


'Sang kawad ng payak na lipon ng kataga, 

Mensaheng ipinalulutang, pakatalimain nawa. 

Kaligtasa'y panatilihin, sa tuwi-tuwina. 

Bukod-tanging hangad, nang mapayabong pagsintang ipininta.-("Mahal, Mag-iingat Ka")


#God_is_Love 💝


Kung Ako ang "PISI", Ikaw naman ang "SARANGGOLA", malaya kang lumipad 

nang lumipad hanggang sa maabot mo ang mga pangarap na iyong inaadhika.

Habang pataas nang pataas ang iyong paglipad,

 palakas din nang palakas ang "HANGINg" sa'yo'y sasagugupa.

Subalit h'wag kang mangamba't mag-alala, 

sapagkat "itaTALI" ko nang mahigpit na mahigpit

 ang sarili ko sa'yo........ nang sa malakas na 

hambalos ng hangi'y 'di ka malulupig at mas

 lalang 'di ka magigiba!


#God_is_Love 💝


Kung gaano ka palad yaring santinakpang kakikitaan ng mga ulirang INANG 'di mahulugang-karayom sa angkin nitong bilang. 

Gayon din ang pagpapalang natamo ng 'sang nilikhang pinagkalooban ng 'sang inang siyang nagbihis sa kaniya ng taos-pusong pagkalinga't pagmamahal!


#God_is_Love 💝


Mahirap ikubli ang katotohanang naulinigan ng ating tainga' nasilayan ng ating mga mata. Gayon din ang tanggapi't pagninilay-nilayan ang komentong sa'yo'y ibinato ng balana! Yaring Isip, Salita't Gawa'y Kasasalaminan sa Kung Sino't Ano Ka. 


#God_is_Love 💝


Yaring duming kapuwa lumuluta't umaailigid sa 'sang basong tubig, sa pag-inog ng panahon 'to'y kusang lulubog at kalinisa'y siyang maging panibago nitong wangis. Lawakan yaring isip at 'wag patitinag sa kawad ng katagang sa kaakuhan mo'y siyang dudungis! 


#God_is_Love 💝


Wala ninumang makapagkakait sa'tin ng kasarinlan, sadyang may mga bagay lang na kailangang paghunus-dilian.

Lalong-lalo na kung pangala't dignidad mismo natin ang dito'y nakasalalay! 


#God_is_Love 💝


Ang kariwasaan sa pananalita, lapatan nawa ng pagsagagawa!


#God_is_Love 💝


Sa pag-ibig, ika'y lipos ng kariwasaan, 

'Di natitinag, sa poot na nararamdaman;

Banal na pangalan mo'y, tigib ng kadakilaan;

Puso'y bulak, sa angking kalambuta't kabusilakan!


#God_is_Love 💝


Kung mayroon man akong kinaiinggitan, yao'y ang araw at buwan.

Tunay ngang nang-iiwan ang buwan, pagdating ng araw;

Gayon din ang araw, nanglilisan, pagdating ng buwan!

'Di man sila binigyan ng pagkatataong magkatagpo sa iisang lunan;

Ang isa't isa'y kapuwa pa rin nila iniingata't pinahahalagahan! 


#God_is_Love 💝


Sa kabanatang 'to, daig ko pa ang 'sang halaman;

Utay-utay na nalalanta't kapaaha'y nangagkapapantay! 


#God_is_Love 💝


Sa pagkasasalang aking nalikha, puso'y lubos na nagdurusa't nangungulila! 


#God_is_Love 💝


'Pag naalpasan ko na ang iniindang sakit nitong dibdib;

Nilalayon kong gamutin, bawat parteng nanlilimahid! 


#God_is_Love 💝


Siguro 'di talaga tayo ang itinakda para sa isa't isa.

Kaya naisipan kong sumuko't magpaubaya na;

Salamat sa taos-pusong pagmamahal at pagpahahalaga.

At patawarin mo 'ko sa'king pagkasasala, ni sa kabiguang matupad, niyaring panata.

Ngayon ay pinalalaya na kita! 


#God_is_Love 💝


Puso ko'y pagtaTAGAin mo ng PLUMA;

Nang ang SAKIT ay MAIBSA't ganap na maisatiTINTA! 


#God_is_Love 💝


Buhay ko ngayo'y nagmimistulang sinindihang Kandila.

Ang apoy kong taglay, 'pag 'di mo pinatay, utay-utay na kakainin ng sakit ang aking hininga! 


#God_is_Love 💝


Kaakuha'y nilulunggati kong baguhin,

Kadalamhatia'y unti-unti kong pipilasin;

Lalangin bilang 'sang blangkong papel;

Nang sa hapdi't kirot, 'di na maging alipin! 


#God_is_Love 💝 


Manifestasyon ng nararamdamn ko ngayon ang 'sang bolpeng hitik na hitik sa TINTA.

Nang maibsan ang sakit na nadarama;

Pagsatititik ng mga kataga, ang LUNAS kong kay BISA! 


#God_is_Love 💝 


Ang araw sa sikatan, bago sumilay, may kislap na tangan-tanga't sa unaha'y nakaantabay!

Sa kasagsagan ng sikat ng araw, maging ang kaligirang ulap, ay magmimistulang "asing unti-unting natutunaw! "

#God_is_Love 💝


Iyang buwan kung pakatitigan, animo'y kasinlaki lang ng araw. 

Ngunit ang nauna'y hamak na maliit at walang sariling LIWANAG na inaakay-akay! 

Ang hamo't suliranin dito'y kabalintunaan;

Kapagka gaano man ito kalaki't kabigat, may solusyong dito'y nakalaan! 


#God_is_Love 💝


Iyang imahinasyon, turingan mang 'di maliparang-uwak;

Nalalataya't nadarapuan din 'pag ang puso'y nalilipos ng sugat! 


#God_is_Love 💝


Ang paggamit ng maskara'y ubod-bisa, nang maikubli ang kalumbayang nadarama! 


#God_is_Love 💝


Puso ko animo'y magHAPONG nakaBABAD sa SIKAT ng Araw. 

Utay-utay na natutuyo't nangagkabibitak nang dahil sa silakbo ng init ng sakit na nararamdaman!

Halamang nalaLANTA, ang kawangki nitong aking kaUGATan;

Nangagkatutuyo ang mga dugong dati-rati, rito'y nananaLATAY!


#God_is_Love 💝


Kapagka ako ang pinag-ugatan ng "Lumiliyab na Apoy". 

Lunggati kong itong puso't diwa'y tupukin, nang sa kaHAPISa'y managhoy!


#God_is_Love 💝


Isipang maULAP, at pusong nawaWASAK;

Sa saksak ng sumbat, kaakuha'y nagkasugat-sugat!


#God_is_Love 💝


Sa bawat inog ng mundo, hapdi't kirot nawa'y tanganin;

Kung 'di man, sakit nitong puso'y subukang lagutin! 


#God_is_Love 💝


Kung ang PUSO'y TIGIB ng kaBUSILAKan,

Ang pag-iIBIGA'y kasaSALAMINan ng kaLIGAYAha't kaPAYAPAan! 


#God_is_Love 💝


Kailan ma'y hinding-hindi nabiBILI ang kaTAPATan.

Nang ito'y maKAMTan, pagSUMIKAP ang siyang bukod-tanging KAILANGAN! 


#God_is_Love 💝


Kung kulang ang kaKAYAhang ANGKIN sa pag-UNAWA;

Utay-utay na mabaBASAG ang KRISTAL na TIWALA.

Magiging SANHI rin ito nang ang RELASYO'y unti-unting magiGIBA;

Hanggang sa TULUYan itong magLAHO na animo'y BULA! 


#God_is_Love 💝


Ang kaTAPATan sa panata o sumpaang niLALANG;

Tulay nang mapaBUTI ang iniINGATang pag-iIBIGan!


#God_is_Love 💝


Matuto kang paHALAGAhan ang niLIKHAng nagmaMAHAL sa'yo nang TUNAY.

Bihira mo lamang SIYAng maTAGPUA't maSILAYan.

Sa oras na BinAleWALAmo siya't SinAYANG;

Asaha't magsiSISI ka't maliLIPOS ng panghiHINAYANG!


#God_is_Love 💝


Sa kaNIYAng PUSO'y KumATOK KA't ika'y pinagBinUkSAN;

PinaTULOY ka't sa pagkataTAOn, ika'y pinagBIGYAN!

Sa halip na TRATUHIN siya na animo'y 'sang LARUAN;

Subukan mo naman siyang ipagTANGGOL, IGALA't pakaINGATan! 


#God_is_Love 💝


Anumang pagSUBOK at balakid ang haHARANG,

Ang pag-iIBIGA'y ipinaaglaLABAN, hindi sinuSUKUan! 


#God_is_Love 💝


Sadyang may HANGGANan ang lahat ng bagay,

Iyang ISINUSUOT mo ngayong pagmaMAHAL;

HUHUBARIN mo rin iyan pagDATING ng araw! 


#God_is_Love 💝


Huwag palaLANGO sa 'sang tagay ng TAGUMPAY. 

BULSA ma'y KUMAPAL, ni LEEG ay umIKLI nang dahil sa kaTABAan;

Matuto ka pa ring iLINGON ito sa Iyong PINANGGALINGAN!

Nang maIWASan ang pagiging ABA, pagDATING ng ARAW. 


#God_is_Love 💝


Kung gusto mong maTAMASA ang tunay na kaLIGAYAhan;

Matuto kang BumITAW sa mga BAGAY na nagpabiBIGAT sa'yong naraRAMDAMan! 


#God_is_Love 💝


Kung puno na ang TAPAYAN, kailangan ng KALUSAN! 

Kung "MaIKLI na ang PISI'y" sadyang maHIRAP na makapagTIMPI ang sinuman!

Matutong "MagHIGPIT ng SINTURON sa mga bagay na wala namang LAMAN at KABULUHAN!

Nang maiwasan ang pagkaSAULIAN ng KANDILA ng iILAN o nang maiwasang mangagkahaHALO ng BALAT sa TINALUPAN! 


#God_is_Love 💝


Kung may salaming nakalaan para sa hinaharap, may kalayaan sana tayong masilayan ang posibleng magaganap. 

Malaya rin sana tayong gawin ang mga bagay na tama't nararapat;

At mapangangatawanan ito nang buong tapat! 


#God_is_Love 💝


Ang mga kaaya-ayang bagay na naulinigan, itanim sa'yong puso't isipan. 

Pagdating ng araw, ito'y magigig makabuluhang salalayan, sa pagpatatatag ng sariling paninindigan! 


#God_is_Love 💝


Matutong pangatawanan ang kalipunan ng mga salitang pinamimitawan, ito'y magiging repleksiyon sa angkinn mong kaakuhan! 


#God_is_Love 💝


Higit na mainam ang mamuhay ng payak at tahimik, kaysa mamuhay nang masaya, subalit lipos ng pangyayarig kahindik-hindik! 


#God_is_Love 💝


Ang desisyong hindi pinag-iisipan, maaaring kabigua't kasawian ang kahihinatnan. 

Nang ito'y maiwasan, "Ang paglalakad, ay gawing marahan sa halip na pakatutulinan!"


#God_is_Love 💝


Kung may ninaNAIS kang paTUNAYan, gawin mo ito para sa SARILI mo. 

Hindi upang umANI ang pagHANGA't SIMPATIYA ng ibang tao!


#God_is_Love 💝


Kalimitan sa mga ginagawang desisyon sa buhay, kapara'y pagSAGOT ng "BOARD EXAM".

Kung TAMA o MALI ba ang lahat ng isinasagot, ay walang kaTIYAKan!

Sa bandang HULI, kailangan pa rin itong paNINDIGa't paNGATAWANan. 

At TANGGAPIn ang kahiHINATNAN nang BUKAL sa kaLOOBan!


#God_is_Love 💝


'Di ako PANTAS ni may DILANG-PAHAM, 

Sadyang ubod-sarap lang sa pakiRAMDAM;

Ang makapagHANDOG sa inyo ng BUBOT (mumunti o katiting) na kaALAMan!


#God_is_Love 💝


Ang buhay na kaLOOB ng DIYOS, ay manifestasyon ng pagmaMAHAL NIYAng TAOS at LUBOS! 


#God_is_Love 💝


Kung ang simpleng GAWA ay higit kaysa sa paHAYAG na DAKILA;

Ang lahat ng ADHIKAin mo sa buhay, ay LAPATan ng pagsagaGAWA!


#God_is_Love 💝


Maaari kang HANGAan, pero 'di puwedeng TULARan;

 Maaari ka ring kapuwa pakaHANGAA't pakaTULARan! 

Ang lahat ay nakaANGKLA sa UGALI't angking paniNINDIGan! 


#God_is_Love 💝


Matuto kang tumanggap ng iyong pagkamaMALI, sa'tin ito'y LIKAS na't 'di maitaTANGGI!

PagSUMIKAPang ito'y maiTUWID, nang ang kaTUMPAKan, sa huli'y siya ring mamaMALAGI! 


#God_is_Love 💝


Pana-panahon lang ang ating BUHAY, 

MaTUTONG magPAKUMBABA sa lahat ng BAGAY! 


#God_is_Love 💝


Sa ibayong pagsisikap, mahahawi yaring ulap;

Mababanaag ang tagumpay, na nilalayong malasap! 


#God_is_Love 💝


Ang buhay ng sangkatauhan kapara'y panahon, may taglagas at tagsibol ni ng tag-init at tag-ulan. 

May kahikahusa't kasaganaan ni ng kaligayaha't kalumbayan!

Sarili'y patatagi't pag-ibayuhin angking tapang;

Huwag padaraig sa samo't saring suliranin ng buhay! 


#God_is_Love 💝


Ang 'sang Relasyon, kawangki'y UMIINOG na ORASAN. 

Sa bawat natuTUNTUNGANg guhit ng Hintuturo'y SIBULan ng samo't saring kaRANASan!

Matutong IWII't paHALAGAhan, ANGKINg likas na KABULUHAN;

IsaTITIK sa kaMALAYang 'di maliparang-uwak, na 'di biro ang makaRANAS ng kapanglawan. 

Ginto ang kaHAMBING ng bawat PANAHONg daRATAL at daRAAN, sa kaibuturan ng puso't diwa'y iGUHIT nang ito'y 'di MAPARAM! 


#God_is_Love 💝


Sa DAGAng nananahanan sa'ting dibdib, kailan ma'y huwag na huwag padaraig.

Kapagka sa pagkatataong ika'y nagpalupig, tiwala sa sarili mag-aanimo'y damit na utay-utay na nagugulanit! 


#God_is_Love 💝


Yung feeling na sa larong tagu-taguan mo lang naranasang may naghahanap sa'yo. 

Kapagka sa realidad ng buhay, hindi mo pa nakadapuang-palad ang nilikhang namayani sa pantasya mo! Awwwts_it_hurts! 


#God_is_Love 💝


Nang ang bagay na inaadhika mo'y maisalin mula sa abstrakto tungo sa pagiging konkreto;

Kusang-palo, ang siyang bukod-tanging kailangan mo.  

At ang kumunoy ng kasamaa'y sa tubig isatitik nang husto! 

Kapagka magsisilbi itong kalawang na gugupok sa pangarap mo't buong pagkatao. 


#God_is_Love 💝


Walang mawawala kung iyong susubukan, mas mainam ang mabigo kapagka sumubok kaysa mabigo nang dahil sa karuwagan! 


#God_is_Love 💝 


Saksi ang kalangitan sa nagkadaiya tang binuhatan.

Himuon unta kining usa ka lig-ong pagtulun-an!


#God_is_Love 💝


Ang silhig tukog kung mag-inusara, dili kini ikalimpyo sa gapatung-patong nga basura. 

Sama usab kanato, kung dili kita magkahiusa taliwa sa nagkadaiya tang suliran o problema, maglisud kita niini sa pagresolba! 


#God_is_Love 💝


Kung ayaw mong mauwi sa wala ang lahat ng iyong pinaghirapan. Matuto kang magsumikap at magpahalaga sa lahat ng bagay! 


#God_is_Love 💝


Maging ang 'sang banal ay nakapagtatamo ng kasalanan, sa parating nakabukas na kaban! 

Kaya huwag pasisilaw sa anumang uri ng kayamanang siyang babahid ng dungis pangalan mo't katauhan! 


#God_is_Love 💝


Mumunti ma't may angking kabuluha'y mapaghahanguan ng pakinabang. Sa halip na pakabalewalai'y matuto kang ito'y pag-ingatan! 


#God_is_Love 💝


Sa kasagsagan ng tag-ulan, sikat ng araw'y 'di masisilayan. 

Kapara nito ang pag-asa, sa gitna delubyong sumusubok sa'ting kamalaya't katatagan! 

Subalit pakatandaang, lahat ng suliraning pinagdaanan, pinagdaraana't pagdaraana pa'y may solusyong nakalaan! 


#God_is_Love 💝


Bagong taon, bagong pag-asa't bagong buhay na siguradong hitik na naman sa pakipagsasapalaran.

Pag-alabin angking kaloobang-bukal at kagitingang-taal na laging tangan-tangang siya ring salamin ng iyong kaakuhan.  

Turo't payo ng nakaraa'y itaga sa bato, gawing salalaya't 'wag nawang isatala sa tubig lamang!

Kapagka ito'y siyang magsisilbing batong-tungan tungo sa landas ng kaginhawaa't kaluwalhatian. 

Na siyang magsatutuwid sa kabaluktuta't magsatatama sa bituing dami ng naipunlang kamalia't pagkukulang sa taong nagdaan!


#God_is_Love 💝


Bagong tao'y yapusi't pakaramhin. 

Simulan nang may galak at isawsaw sa positibo't kapuwa 'di marapuang-langaw't 'di maliparang-uwak na adhikain. 

Ipupunlang gawai'y sa kabukalang-loob ay pakatigibin. 

Angking kabusilakan ng puso't diwa'y 'wag bahiran ng inggit, poot, at pagkasakim. 

Nang ang buhay ay magtatampisaw sa batis ng kaluwalhatiang lipos ng ningning! 


#God_is_Love 💝


Ang pasko'y BUWAN, sumisibol sa kapusikitan. 

Angking kislap ng liwanag, sa karimlan masisilayan.  

Pagdiriwa't pagsagugunita sa kapanganakan ng namumukod-tanging TALAng bihis na bihis sa Kadakilaa't Kabanalan!

Sa buhay ng sangkatauhan, tangan-tanga'y pag-ibig, pag-asa, kaluwalhatia't kaligtasang kailan ma'y hinding-hindi mapaparam! 

Kapagka ito'y kusang nakatatak sa karubduban ng kabusilakan ng ating puso't isipan. 


#God_is_Love 💝


Kaakuhang angki'y matigib man ng kapayakan, 'to'y konkretong manifestasyon sa nakubling kinang ng talinghaga ng buhay!


#God_is_Love 💝


Yaring pagkamamaling lalang ng 'sang nilikha, 

Maaaring lumukob sa kalipian ng pulutong na hinangua't pinag-ugatan niya!

Magkaminsa'y maging maingat at mapanuri sa isagagawang panghuhusga. 

Nang 'di maghalo ang balat sa tinalupang siyang sisibulan ng gabundok na pighati't pagkabalisa!


#God_is_Love 💝


Ang sangkatauha'y may angking kalayaan sa pagbato ng sarili niyang saloobin. 

Magkagayon pa man, ang pagiging matapat at magalang sa ipupukol na pahayag ay nararapat na pagnilayan, himayi't pakasuriin. 

Kapagka ito'y 'di lamang basta salamin ng kaakuhan niyang angkin! 

Bagkus ito'y isa ring konkretong tungkuling-gampaning nararapat niyang sundin at tuparin!  


#God_is_Love 💝


Kamalia'y iwasto, sa paraang kaaya-aya't 'di nakapagpadurugo ng puso. 

Tandaan: Madaling bawii't hingan ng paumanhi't tawad ang kalipunan ng pahayag na ibinato, ibinabato't ibabato sa kapuwa mo! 

Subalit sadyang kay hirap malunasan ang sakit at kirot na hatid ng naturang pahayag na animo'y 'sang ubod-talim na palaso! 


#God_is_Love 💝


Ang buhay ng sangkatauhan, kapara'y 'sang nobelang nahahati sa iba't ibang kabanata't tagpo!


#God_is_Love 💝


Ang pagngiti-tawa sa likod ng suliraning tangan-tanga't pasan-pasan. 

Kawangki'y paghahawi sa mabatong landas ng kapalaran;

Mahirap ngunit naging posible kung sinusubukan! 


#God_is_Love 💝


Ang pagpatatawang isinagagawa ng 'sang payaso'y nakapag-uukit ng marubdod na kaligayahan sa puso ng sangkatauhan.

Ito'y nagiging kasangkapan nang maiwaksi ang kalumbayang nararamdaman!


#God_is_Love 💝


Kung sa'ki'y 'di ka na masaya. 

Kung 'di mo na nakikita, angking halaga.

At kung sa'yo'y iba na ang nagpasasaya.

Siguradong wala naman akong magagawa 'di ba?!  

Sadyang mahirap kalabani't  salungatin ang tadhana. 

Sadyang napakahirap pumapel sa dal'wang nilalang na itinakda! 

Kaya mahirap mang tanggapi't masakit man sa damdamin, sa kaniya'y IPINAUUBAYA na kita! 


#God_is_Love 💝


Alam mo na ngang sa'yo'y 'di na siya masaya. 

Batid mo ring sa kaniya'y iba na ang nagpasasaya. 

Sarili'y bigyan ng kaunting respeto't pagpahahalaga.  

Matutong bumitaw sa mga taong ang tingin sa'yo'y WALA. 

Matutong bumitaw sa mga taong hindi nakikita ang Tunay Mong Halaga! 


#God_is_Love 💝

Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"