"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"
"Ang pag-iiruga'y hinding-hindi mapapatid, kung sa kasamyuhan ng katuksuhan, ang isa't isa, kailan ma'y hinding-hindi rin palulupig! (Valicuatro, 2021)"
"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"
-beyb_Teofy
I. Kapuwa panaho't distansiya, ang sa katatagan nati'y sumubok;
Sa BIROng tangan ng kapalara'y, pagkalugmok yaring dulot.
Gintong-gunitang tanging sa kahapon masusulyapa'y, hanguan ng lakas-loob!
Sa pag-igpaw ng kahapisang, sa puso'y, utay-utay na lumamo't nanunuot.
II. Gaano man karami ang BALAng angkin ng kahaharaping BALAkid;
Tanikalang-tatag ng pag-iirugan, kailan ma'y hinding-hindi mapapatid.
Sa Bundok Apong dagok ng buhay, asaha't di rin padaraig!
Kapagka tayo'y kapuwa likas na mandirigmang, ninuma'y 'di palulupig!
III. Kung sa ihip ng hangi'y, kasamyuhan ng tukso'y tatangan-tanganin;
Masinghot ma'y tinitiyak kong itong puso'y, hinding-hindi pasisiil!
Kung sa kaamisang-palad, magkaminsa'y 'di maiwasang madiriin;
May "Alpha-Omega" ang lahat ng bagay, katotohanang siyang lagi nating kakanlunganin!
IV. Kapagka sa anumang uri ng pag-iibigan, distansiya'y lumalalang ng sugat;
Gugula-gulanitin ang pagsasamahang, sa tiwala't panata'y, ubod-salat!
Subalit sa katotohanan nawa, isipa'y imulat, "ang araw kapuwa may paglubog at pagsikat;"
Kawangki ng kaAKDAang hinabi, hinahabi't hahabiin, kaDALAMHATIa'y may angkin ding wakas!
V. Kaya, bulaklak na siya kong pinakanililiyag;
Talulot ng puso mo'y kakandunganing wagas!
Silakbo ng pagsinta'y, tanging sa'yo'y ipalalasap;
PaAMBUNan ni patiTILAMSIKan ka ng pamimintuho't pagmamahal na walang kupas!
VI. Kung sa masaya't marikit na pinagsaluhang alaala'y makararanas ng pangungulila;
Gunitai't muling damhin ang nakamihasnang pagsasamang, bituin sa kislap ang kapara.
Sa niyaring durungawan ng kahapong nagdaa'y dumungaw ka;
Bakasi't kumpunihing muli tamis ng alaalang pinagsaluhan sa hapag-sintang naudlot, bunga ng Pandemya!
VII. Puso'y patatagi't likas na kamalaya'y palawakin;
Kalumbayang nadarama, sa kaligayaha'y isalin!
Huwag patiTINAG ni pauUGA sa bantang hatid ng samo't saring suliranin;
Bagkus, sa Mahal na AMA'y manalig ka't, araw-araw ka NIYAng pagpalain!
VIII. Ang IBONg lumilipad nang malaya, tingalai't kaTUWAa'y nakaukit sa mukha;
Bagay na gustuhi'y gawin nang ubod-laya, nang matulad sa 'sang ibong tangan-tanga'y LIGAYA!
Malamig na haplos ng simoy ng hangi'y damhi't magliwaliw nang ang buhay sumagana;
Magsisilbi itong lunas nang matuldukan, kapanglawang nadarama!
IX. Adhikain nitong puso'y, mapangiti ka, O, aking hirang;
Kapagka isa kang "Obra Maestrang" sinibulan nitong kaligayahan!
Perlas ka sa rikit na labis kong kinagigiliwa't pinakainiingatan;
Naging aking kasangga, sa kalumbaya't kaligayahan ni sa kahikahusa't kasaganaan!
#happy_27th_monthsary 👉💕👈
#God_is_Love 👉💕👈
Comments
Post a Comment