Ako po ay isang mangangaral na naglalayong makapag-ambag ng katiting na tulong-sikolohikal sa lahat ng makababasa ng mga ginagawa kong katha.
#Mabuhay tayong lahat
#Mabuhay ang Pilipinas
#GOD IS LOVE
Islogan Buwan ng Wika 2021
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
"Hangga't ang Wikang Filipino't Katutubo'y Patuloy na Nananalatay Sa'ting Kaugatan, Ang Kalayaang-Pamana ng Ating Kabayaniha'y Hinding-hindi Mapaparam!"
“Tula Para Sa’yo Aking Sinta” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Mahalimuyak na ngiti ng araw Bukod-tanging tinutura’y ikaw Sa naidlip na pagsinta’y uhaw na uhaw Pagsintang walang halo’t tanging sa’ iyo’y nakahalaw Tatlong masukal na kabundukan Sama-sama nating tinahak, tinibag at napagtagumpayan Damhin mo’t sa’yo’y aking ituturan Oktubre, Disyembre’t Enerong handog ay kagalakan Distansiya ma’y namagitan sa’ting dal’wa Gabundok na balakid, hamon, suliranin, ni temtasyo’y ‘di makagigiba Pagkat kapuwa puso nati’y binigkis ng Diyos Ama Gamit ang kapangyarihan ng pananampalataya Tunay ngang palaso ni kupido’y may angking lasong nakahahalina Pagkat sa bawat pananahong dadalaw ka sa’king gunita Puso animo’y payaso nagtatampisaw’t nagpakalunod sa kalautan ng ligaya Ligayang ikaw lang aking irog ang nakapagpadarama Sadyang napakalalim man ng mga imahe, simbolismo’t tayutay Pero ‘di nito kayang higitan ang pag-ibig na sa’yo’y inia...
"Ugat ng punong kahoy na malabay ang taos-pusong pagmamahal, kapagka habang tumatagal, ito'y patibay nang patibay. Daanan man ng malupit na hagupit ng bagyo't ula'y mananatili itong nakatayo nang lipos ng katatagan-ngayon, bukas, at magpahanggang sa libingan man!" "Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon!" _Teofilo S. Valicuatro Jr. I. Kung sa durungawan ng bahay niyo sa tuwi-tuwina'y may dumarapong paruparo lumilipad nang labas-masok, tangan-tanga'y pagsuyo 'pag napapawi nito ang lumbay sa'yong puso.... Giliw, iya'y AKO! II. Kung sa'yong paglalakad tungong paaralan ika'y may nadaraanang ibong sari-kulay na ang isinadidila'y maririkit na "Kundimang" salamin ng pag-iibig, nating pulot-pukyutan.. Iya'y AKO, Hirang! III. Kung ika'y dumarako sa mga liwaliwang pook nang ang pagod ay mapawi't sa ligaya'y mapupuspos at may 'sang bulaklak na ang anyo'y kalugud-lugod na 'pag ...
“H.M.M.K.S.P.A.K” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Araw’y lumilipas Kasikata’y kumukupas Puno’t dahon ng kapighatia’y nalalagas Pero ang bukod-tanging binhi ng pagsintang wagas Kailan ma’y ‘di kumukupas at lalong ‘di nagwawakas Puso ko’y pumipintuho na naman Sa isang maalagima’t na dilag na hapo’t hapis ng kaalindugan Janice Cadao Pagulong Amoncio ang buo niyang pangngalan Pinagkaloob sa kaniya ng butihin, mapagmahal at mapag-aruga niyang mga magulang Nang nasilayan kita Facebook account malimit na ini-stalk sa tuwi-tuwina Di naagapa’t lumala Nagbunga ng mahiwagang kataga Yumabong at mas naging dakila sa tawag na “PAGSINTA” Bituin ma’y susungkitin Asin’y patatamisin Di maliparang-uwak na papawirin Ay pilit kong lilipari’t hahagilapin Makamit lang pag-ibig mong kay kislap at kay ningning H.…….M…..….M……..K……..S….....P……..A……...K……. Binubuo ng walong letra Subalit nabibihisan ng mala-gintong kataga’t taktika ...
Comments
Post a Comment