Hugot 101-111


Hugot 
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.

Hugot 101:
Napagtanto mo bang selpon ako’t load ka?
Nawawalang bisa’t saysay kasi buong buhay ko ‘pag wala ka”

Hugot 102:
Kung magiging kompyuter ka
Ako nawa’y maging keyboard mo na
Para “meant to be” tayong dal’wa
Kasi kapuwa natin kailangan ang isa’t isa
Para magwork-awt nang todo-todo ang relasyon nating dal’wa

Hugot 103
Alam mo para tayong bolpen
Ako yaring sisidlan
At ikaw naman ang laman
Buhay nati'y kapuwa may puwang
Kapag tayo'y pinaghihiwalay

Hugot 104
50% porsyento ka sa puso ko
50% porsiyento ka rin sa buhay ko
Sa oras na lolokohin mo 'ko
45 ang tiyak kung kikitil sa buhay mo

Hugot 105
Sa dahon ng sampagita
Sa puno ng mangga
Doon mo makikita
Ang kalipunan ng letrang "mahal kita"

Hugot 106
Kung makamit ko lang ang bituin
Kung matamis ko lang ang asin
Ang lahat ng sulirani'y kaya kong lutasin
Kung ito'y tungkol sa pag-ibig natin

Hugot 107
Rehas man o bakal
Pipilitin kong makalabas
Makitang ko lang
Ang aking Crush

Hugot 108
Sa sobrang pag-ibig 
nahulog sa tubig
Sa sobrang pagmamahal
Nahulog sa Kanal

Hugot 109
Nahuog ka na sa puno
Nahulog ka na sa bangin
Ano ba ang problema ng gravity,
Bakit hindi ka nahulog sa'kin?

Hugot 110
Kung hindi mo kayang maging tubig
Pandilig sa puso kong uhaw na uhaw sa pagmamahal mo
Nawa'y maaari kang maging lupang-panlibingan
Sa puso kong patay na patay sa'yo

Hugot 111
Ipinanganak akong walang kakambal
Nawa'y mahalin mo rin ako nang walang karibal.






Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"