"First Monthsary"
"First Monthsary"
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
Segundo, minuto, oras, linggo’t buwa’y naglipana’t naging
raliyesta
Hangi’y ginawang mensahero’t ang balitang dala’y
“pahabain daw yaring pagsinta”
Masisi ko ba sila kung yaon ang ninanais nila?
Ang paglingkura’t mahalin ka nang sobra
Mga tala’y nagsiawitan
Mga hayop ay nagsasayawan
Hangin ang nagpapalakpakan
Nagpatutugtog ng tamborin si inang kalikasan
Mga bagay na di ko lubos mawari
Bakit sa kasagsagan ng aming mantsari
Mga Tala, hayop, hangi’t inang kalikasa’y
Taos-pusong nakibabahagi?
Sinusulsi yaring gula-gulanit na katanungan
Hanggang sa mapagtagpi-tagpi ang isang kongkreto’t
tiyak na
kasagutan
“Sila’y nakiisan-dibdib sa aming pag-iibigan”
Na kahit ang mapanuksong kapalara’y isatatanikala kung
kinakailangan
Sinong aayaw sa hapag-kainang-pag-ibig na inihahain
Na naliligiran ng madlang ang bukod-tanging hiling,
“Mahalin mo ‘ko nang mataginting, at
Susuklian nang pagsintang sintimyas at singkinang ng
mga bituin
Kung ating pakahimayin, ang dalawang taong nag-iibigan
Kawangis’y pumalalaot sa pusod ng karagatan
Sa magkabilang panig, pating ang masisilayan
Pating, na ang sinisimbolo’y destruksyo’t malalanding
nilalang sa lipunan
Pero di dapat ikabahala’t ikabalisa
Sapagkat pag-ibig anaki’y sulatin ang kapara
S at M ang bumubuong letra
Kung mayroong Simula, Wakas ang magiging kasagupa
Subalit iya’y nasa paninindigan ng dalalawang taong
nag-iibigan
Ito’y magsisilbing sukatan ng mala-bakal na
prinsipyong kapuwa nila ipinaglaban,
ipinaglalaba’t ipaglalaban
“Sapagkat dagat ma’t hatiin ang agos ng tubig, sa
ngalan ng pag-ibig ay maging kapanga-panganib
Puso ang masasakta’t masusugatan, kaluluwa ang
mananaliksik ng mabangis na paghihimagsik.
Relasyo’y lubusang tibay
Sa likod ng samu’t saring hamo’t suliraning dito’y
nakaakbay
Pagsangguni sa kawikang “Hiwalayan ang
namumukod-tanging paraan”
Ang kikitil ng bisa sa nililok at ipinintang panumpaan
Desisyo’y iangkla sa kung ano mabuti’t tama hindi sa
kung anong mali ang hinahabi
Matuto kang makinig
Sa hinaing ng magkabilang panig
PRIDE ay iwasan angkop lang ‘yang gamitin sa labahan
Kung sa tingin mo animo’y labahan yaring kasintahan
Esensya’t presensya ng PRIDE ay roon mo pa kailangan.
#to God be the Glory
#God is good all the time
#God is Love
Comments
Post a Comment