Guro: Tagapanday ng Talento't Kinabukasan


“Guro: Tagapanday ng Talento’t Kinabukasan”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.

Kuhana’t impukan ng samut-saring kadalumatan
Sinibula’t pinag-ugatan ng lahat larang
Tagahawak ng di-mabilang na kinabukasan
Tagapagmulat ng mga naghuhumilik na isipan

Tungkuli’t gampanin niya’y pagnininingin yaring sandaigdigan
Kalakip nito’y ang buong aspeto ng identidad ng sangkatauhan
Nakahandang isakripisyo’t ialay sariling kaligayahan
Makagisnan lamang ngiti’t tawang nakapinta sa labi ng mga kabataan

Ina’t dakilang gatpayo ng lahat ng profesyon
Paglalang ng dakilang mamamayan ang isa sa bukod tangi niyang misyon
Nag-uumapaw na kadalisaya’t kaunlaran ang sandigan niyang visyon
Tunguhin niyang kabataang lugmok sa kahirapa’y tahasang maiahon

Bayani kung siya’y tawagin
Tagapagtanggol ng mga inaaping mithiin
Hangad niya’y pakadakilai’t purihin
Bilang pampalakas-kalooba’t pampaiigting ng damdamin

Kung sistemang panghimpapawid ang siya nating pagkanlunga’t gawing sanligan
Guro ang Globo, Aksis naman yaring Kabataan
Sa apat na mala-palasyong kuwadradong de kahong pandaya’t hubugan ng talento’t kaalaaman
Buhay niya, animo’y rebolusyong umiikot na nalulukuba’t nababalot ng pananagutan

Isinalabi’t isinalimbibig ng bayaning si Gat Jose P. Rizal
Na “Ang kabataan ang siyang Pag-asa ng Bayan”
Hindi ba’t guro ang ehemplo’t tulay na namamagitan?
Sa pagsasakatupara’t pagsabubuhay ng naturang panambitan

Kaya ako ngayo’y nagsusumamo sa sino ma’t alin
Mga ilaw ng kinabukasan nawa’y igala’t pakapintuhuin
Sapagkat kung ating pakahimayi’t pakapinuhin
Kung wala sila, mala-bulak na mga pangarap kusang titikom, maglalaho’t magdidilim

Guro ko, guro mo, guro nila, guro nating lahat !
Buhusan natin ng taos-pusong pagmamahal, pag-aaruga’t pasasalamat
Bilang pagkilala sa kadakilang nagpasalin-salin sa mga henerasyong darati’t lumilipas
Na ngayo’t magpakailan ma’y patuloy parin nating nalalasap

# Isang Napakamaligayang Araw ng mga Guro sa buong Mundo
# to GOD be the GLORY
# GOD is GOOD all the TIME
# GOD IS LOVE







Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)