"Hugot Eksam"
“HUGOT 052196 ALSO KNOWN AS HUGOT-EXAM”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
Nag-EXAM NA ba kayo sa IKALAWANG MARKAHANG
PAGSUSULIT O SA PINAL NA PAGSUSULIT SA UNANG SEMESTRE?
Nakapag-exam man kayo o hindi, ito yaong
Hugot-Exam KOWTS na inihahandog ko sa inyo.
1.
Ang panuto sa EXAM o PAGSUSULIT
Kapara’y panata ng dalawang NAG-IIBIGAN
Nararapat unawain, talimahi’t pakaramhin
2.
Buti pa ‘yung EXAM sinasagot o binibigyang
katugunan
Inuunawa, pinagsusumikapan, pinaglalaanan
ng ORAS at KAPANAHUNAN
‘Di tulad ko PAG-IISA ng nga lang ang
BUKOD-TANGING kasanggalang
Puso ko pa’y niyakap ng KALUMBAYAN
3.
Sana naging EXAM na lang ako
Para kahit papaano, kung hindi mo man ako
gusto
RESPONSIBILIDAD mo paring UNAWAII’T SAGUTIN
ako
4.
Batid mo bang exam tayong DAL’WA
Na kung saan, PANUTO KA, TALATANUNGAN AKO
Bakit kamo? Ang IKATUTUMPAK AT IKAGAGANDA
kasi ng buhay ko
Nakaangkla sa DIREKSIYON O PANUTONG
ibinigay mo
5.
Sana naging ESSAY TYPE OF EXAM na lang ako
Para kahit walang TAYO, PAGSUSUMIKAPAN mo
paring MAIUGNAY ang BUONG SARILI mo sa SITWASYONG kinahaharap ko
6.
Alam mo bang ang katagang EXAM
Ay binubuo ng dalawang taong nagmamahalan
Na sa KAWALAN ng TIWALA o pagiging
MAPANLINLANG
Umabot sa yugtong NAGKAHIWALAYAN
Para maging malinaw oh ito suriin mo:
EX= Taong nagpasaya at nagpahalaga sa’kin o
sa’yo nung kayo O Kami pa
AM- naman na ang pinatutungkulan ay AKO O
di kaya’y IKAW na minahal niya sa panahong BUO pa ang PANATANG INIUKIT SA PUSO
NG BAWAT ISA.
Comments
Post a Comment