ULAN
“ULAN”
ni: TEOFILO S.
VALICUATRO JR.
Sa bawat patak ng
luha mo sinta
Sa’king katawan
kaloob ay ligaya
Kapara’y paglingap ng
‘sang butihing ina
Nitong puso’t diwa’y
nananatiling sariwa’t masagana
Umabot man sa yugtong
sarili’y dustang-dusta na
Sa hamog na angkin mo
kaakuha’y nananariwa
Na animo’y halakhak
ng isang ulirang ina
Na lumilingap sa
mumunting prinsipe’t prinsesang karugtong ng buhay niya
Kabuluha’t
kahalagahan ng buhay ay ano baga?
Kung ang esensiya’t
presensiya mo’y tahasang mawawala
Kapara’y makulimlim
na kaalapaapang kinamumuhian ng mga tala
Kawangis ri’y malawig
na kagubatang kinalbo’t sinunog ni hindi kinalinga
Kaya kung ika’y
ipagkakait ng mapanudyong kapalaran
Handang talimahin ang
lahat masunod ka lamang
Yamang ika’y
nagsilbing inspirasyon nitong aking kapanglawan
Ngipin ng kidlat ni
ng mga bilyako sisikaping maigpawan
Ikaw may hinubog sa
apat na titik lamang
Subalit bayani kang
maituturing ng kahit sinong nilalang
Bawat patak ng
pagsinta mo’y nagsisilbing dugo’t laman
Na kusang bumubuhay
nitong sangkatauhan
Bukod-tanging
maisasamo ko sa sino ma’t alin
Kung siya sa piling
ko’y pilit niyong agawi’t dustahin
Buhay ko nawa’y inyo
na ring kitilin
Kapagka ang lamig ng
haplos ng mga patak niya sa’kin utang ko magpahanggang libing
Comments
Post a Comment