MAHAL KITA
“Mahal Kita”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
Dal’wang
katagang hinubog ng siyam na letra
Naimbento
nitong puso mula nang nasilayan ka
Kung iyong
pakahimayi’y nalulukuban ng hiwaga
Sa buong
buhay mo’y minsan lang madarama
Palasak na
linyang napakadaling sambitin
Ginawang
libangan ng mga mapaglubid-buhangin
Sobrang-hirap
naman kung patutunaya’t gagawin
Sa panig na
may hitik ng senseridad at malinis na hangari’t adhikain
Mga
mahalimuyak na katagang singkinang ng mga bituin
Mga ngiti’t
tinging makalaglag-matsing
Mga tawang
animo’y mala-payasong kampupot sa hardin
Kaloob ay
ligayang halaw sa papawiring ‘di maabot-tingin
‘Di
maipaliwanag namumuong nadarama
Kapagka
bugso ng damdami’y pinamayanihan ng kaba
Mala-tanikalang
katagang sa puso’y ibinuga-buga
“Mahal
Kita, Mahal… na… Mahal… Na… Mahal… Kita!”
Pagmamahal
na sa’yo lang nakita
Pagmamahal
na sa’yo lang nadarama
Pagmamahal
na gustong-gusto kong ipagkait mo sa iba
At higit sa
lahat, pagmamahal na sana, sa’kin mo lang ipagkakaloob sinta,
Na… Sana…
Sa’kin… Mo… Lang… Ipagkaloloob… Sinta!
Kaysarap
bakasing muli mga gintong-araw na nagdaan
Na sa
puso’t diwa’y nakaukit angkin mong kaalindugan
Minu-minuto’t
segu-segundo’y hanap-hanap ay ikaw
Kaakuha’y
lumiliyab sa ligaya, ‘pag ika’y natatanaw
Mga matang
nakapiring at sapilitang idinidilat
Sa hangaring
masaksihan kaalindugan mong ubod ng ilap
Bawat
tingi’t titig na sa’ki’y itinatapat
Animo’y
mabalasik na ngipin ng kidlat
Mundo ma’y
gunawi’t pagbabaliktarin
Ang
katagang MAHAL KITA samsambitin ko magpahanggang-libing
Yamang
sa’king puso’y pilit kang sumasailalim
Pagsinta’y
iaalay, gintong kanapanuna’y aking titipirin
M… W… S… N
M-ahal Kita
W-alang iba
S-a puso ko
sinta
Namumukod-tangi’t
wala kang kapara
WAKAS
# GOD IS LOVE
Napakagaling niyong makata sir. Ipagpatuloy niyo lang yan. ��
ReplyDelete