"Kaluwalhatian"


“KALUWALHATIAN”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.

Kaba, takot, panginginig, pangangamba, hapis at pagkabalisa
Emosyong sa ’ki’y nagpahina’t nagpalugmok nang sobra
Bawat araw na lumipas animo’y halamang nalalanta na ‘di nabubuhay   hangga’t hindi nadidiligan ng luha
Luhang kung minsa’y nagsisilbing kalasag nang sa gayo’y maibsa’t  maisatala sa tubig  yaring sakit na nadarama.
Buha’y kung minsa’y hitik na hitik sa kahiwagaan
Kahiwagaang kalimitang hatid ay puro kalituhan
Kalituhang siyang kikitil sa kapayapaan ng puso’t isipan
Puso’t isipang sadyang napakamalabalat-sibuyas sa lahat ng bagay

Datapwat kung ating pakahimayin,  kung mayroong sakit mayroong saya’t ligaya
Kung mayroong pagkasasala, mayroong pagsisi’t pagdurusa
Kung mayroong pagkabigo, may pagkapanalo
Kung mayroong kapanglawan mayroon ding kaliwanagan

Yaring perspektibo kung ating pagdidikit-kiti’t pagtatagpi’t tagpiin
Lahat ng umusbong nalalagas na anaki’y asin, natutunaw kapag sa tubig idiniin
Ang araw kung may pagsikat, maroon paglubog sa direksyong kataliwasan
Karapara’y  buhay at pagdaramdam,  may simula’t mayroon ding katapusan

Ang naturang bagay-bagay ang tunay na ginto’t pilak ng buhay
Ito ‘yung magsisilbing guro ng sangkatauhan kung pa’no ang lumaban kapag natalo at sakung pa’no ang bumangon sa pagkakarapa mo
Nagsisilbi rin itong sukatan ng angkin mong katatagan
Sa kung pa’no ka manalig at manampalataya sa bawat panaho’t pagkakataong nagsisialisan

Iyak dito, iyak doon
Pangangamba rito’t panginginig doon
Takot, hapis at pagkabalisa’y nagsanib nang lumaon
Lahat ng ito, sa’yo’y nagsisilbing hamon

Bukambibig ng karamihang ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang mga nagwawagi kailan ma’y hindi umaayaw
Ipaglaban ang lahat ng mga nasain sa buhay at lapatan ng mataimtimang pananalig, pananampalataya, pagdarasal at pagsagagawa
Sapagkat ito ang siyang namumukod-tanging magdadala sa’yo sa pagsasakatuparan ng lahat ng iyong ninanasa
Hanggang sa sapitin mo ang dulo ng walang hanggan
Ang dulong pinag-imbakan ng mala-gintong KALUWALHATIAN
“HUWAG NA HUWAG MONG KATAKUTAN ANG KARIMLAN,
SAPAGKAT BUHAY ANG DIYOS AT KAILAN MA’Y HINDING HINDI KA TALAGA NIYA PABABAYAAN”
Ano ang Dapat Gawin??

Mataimtimang Panalangin
 Lapatan ng Taos-pusong Pagsagagawa
Ngayon, bukas-makalawa
Mapasasakamay mo lahat ng iyong ninanasa.

Ang Diyos ay Pag-ibig
Sa lahat ng panahon at pagkakataon
DALAYGON ANG DIYOS
#TEOFILO SANORIA VALICUATRO JR., LPT
#TO GOD BE THE GLORY
#GOD IS GUD ALL THE TIME
#GOD IS LOVE






Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)