"PARAISO"
“PARAISO”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
TANDAAN:
“Inang kalikasa’y pakamahali’t pakaingatan, ito’y ‘sang biyaya, utang na
loob, at namumukod-tanging pamana ng Poong Maylalang;
Nalalabing kahihiya’y gawing ehemplo sa
pagsatatama ng mali’t pagsatutuwid ng kabaluktutan;
Gawing huwaran ang sarili sa pamamagitan
ng pag-iwas sa maling gawai’t makamundong adhikain, at paggawa ng kabutihan;
Kasiyaha’t adyahan ka nawa ng mahal na
Panginoon: ngayon, bukas, at magpakailan man”
I.
Sa
tuwi-tuwina angking kaalindugan mo sinta
Nitong puso’t diwa’y nakaukit at
nakapinta
Animo’y kislap ng mapanghalinang
perlas sa gitna ng sigwa
Nakawawalang-pagod, hapis, at
pagkabalisa
II.
Dagat
mang pinamamahayan ng malagintong nilalang
Namumuhay nang payapa, malayo sa
karahasa’t puno ng kadalisayan
Kapara’y buhay kong hanap-hanap ay
sinag ng ‘yong kaalindugan
Na siyang umaakay at nagbigay-tibay
sa kabila ng nakasisindak-palasong suliraning ‘di maiiwasan
III.
Aninagin
ginto’t butil ng sistemang panghimpapawid
Aninawin ngiti ng amang araw na
sadyang kaytamis
Segu-sundo’t minu-minuto minimithi’t
nilalayong makamit
Buhay na masagana, hapung-hapo ng
ligaya’t walang kapares
IV.
Bigyang-diin
proteksiyong-kaloob ng inang kalikasan
Iyong masisilayan samut-saring
ibong humuhuni’t nag-aawitan
Mga hayop na kapuwa panghimpapawid
at pangsangkalupaan
Nagtatambol, naghihiyawan ubod ng
ligaya ang nararamdaman
V.
Ihanda
ang sarili’t lakbayin kaaliwalasan ng kaalapaapan
Malaniyebeng-ulap na ubod ng ganda
doon mo masisilayan
Ngiti ng mapang-akit na mga bituing
iyong maraana’t makikilanlan
Kaakuhan ‘pag ‘di mapigilan puso
mo’y bibihagin nang walang pag-aalinlangan
VI.
Panatagin
ang loob, sa’yong kaugatan ipinta angking ganda yaring kaalapaapan
Ipagpatutuloy, pumanhik at sisirin
perlas nitong pusod ng karagatan
Kilatisin mga nagkikintabang yamang
iyong mapupusuan
Sarili’y turuan: sa pagmamamahal,
paglingap, pagpayayabong, at ang pagtangkilik sa sariling ati’y nawa’y ‘yong
mapanindiga’t magagampanan
VII.
Mga
naggagaraan, nagkikinangan, nagkikintaba’t nagpaparingalang bahag-haring-yaman
Kung ating pakahimayin,
pakasulsihin, pagkatagpi-tagpiin ni pakakumpinihi’t bigyang-turing hindi ba’t
PARAISO ang turan
Paraisong ‘di-marapuang-langaw sa
kabila ng gabundok na responsibilidad na lagi nitong pinapasan-pasan
Mga mapanuligsang sangkatauhan
patuloy sa paghamak, pag-alipusta, ni pagdusta pagkatapos itong pakinabanga’t
pagsawaan
VIII.
Mulatin
ang mga matang napipiringan ng paniniil, kabaluktuta’t kabalintunaan
Panahon ng itirik ang katotoha’t linisin
ang napakaruming-kamaliang kinamula’t kinalakhan
Gumising sa nakasisindak na
bangungot dulot ng nakalalasong kaliluhan
Ipakapreserba, gamitin nang wasto,
kalingahin, pagyamani’t ipagmalaki, yamang mineral na ipinagkatiwala’t
ipinamana ng Diyos Amang
napakamahabagi’t naghandog ng labis-labis na pagsinta sa buong sansinukuban
# TO GOD BE THE GLORY
# GOD IS GOOD ALL THE TIME
# GOD IS LOVE
Comments
Post a Comment