SPOKEN POETRY
“Spoken Poetry”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.
Sa lahat ng nagmahal pero sinaktan
Sa lahat ng seryoso pero patuloy na niloloko
Sa lahat ng paasa, umasa’t pinaasa
Sa lahat ng tiwala subalit binalewala
Karma’y pakatawagin nawa
Upang sila’y patawan ng nagbabaga’t nag-uumapoy na parusa konsekwensiya
Ako’y nagpakadalubhasa sa laranga’t disiplina ng pagpapakatanga
Sa maalindog na dilag na inaandukha ko sa tuwi-tuwina
Puso’t tiwala sa kaniya’y pinalasap nang sobra
Pero anong isinukli? Iniwan niyang nagdurusa’t nag-iisa
Sa t’wing sumasagi sa’king isipan
Maririkit na gunita ng kahapong nagdaan
Puso’t diwa’y lumiliyab-liyab at unti-unti nagugunaw
Sa tindi ng hapis at kapighatiang aking pinagdaraanan sa kasalukuyan
Kung babakasing muli katamisan ng pagsinta
Isang katanungang namamayani’t namumutawi sa’king isipan tuwina
Bakit sa dinami-rami ng sakit sa mundo yaon pang AIDS na mayroon ako
“Yun bang A-koy I-nlove D-ahil S-a’yo
Pagiging inlove na walang katuturan
Pagmamahal na walang pupuntaha’t paroroonan
Pag-ibig na hanggang bukambibig lamang
Pamimintuhong nawalan ng saysay at kabuluhan
Wala man akong angking kapangyarihan
Upang ibalik ang kahapong nagdaanTanging hiling ko llang ngayon at
magpakailan man
Kung hindi mo kayang maging tubig-pandilig sa puso kong uhaw na uhaw sa
pagmamahal mo
Nawa’y puwede kang maging lupang-panlibingan sa puso kong patay na patay
sa’yo
Mataas na bundok ay aking aakyatin
Malalim na pusod ng karagata’y aking lalanguyin
Sansinukob na di-marapuang-uwak ay aking tataluntunin
Maangkin lamang pagsinta mong sintamis at singkinang ng mga bituin
Bago magtapos ang mga kataga’t isinalabi’t isinabibig ko
Bago paman ako mamamaalam ng husto
Bago pa ako lisanin ng hininga ko
Iisa lang ang masasabi ko, “nagkulay-rosas ang aking paligid mula nang
nasilayan kita
Nabighani ako sa mga ngiti mong makalaglag matsing
Nahalina’t naakit ako sa mapupungay mong mga mata
Sa payak na pananalita
ika’y pinipintuho ko ng higit pa sobra
Marubdob na
pagsinta sa’yo at sa’yo lang talaga
Kaya iukit
sa’yong puso’t isipan
Itala sa
pusod ng karagatan
Iguhit sa
malawak na kalangitan
Ipinta sa
kaibuturan ng iyong nararamdaman
Ipaskil
sa’yong mga kaugatan
Na puso
ko’y paano na, kung mawawala ka sa tuwina
Di ko kaya
ang mag-isa hagad ko’y laging kapiling ka
Oo aaminin
ko, di ako perpektong tao
Di rin ako
ang tipo ng taong tahasang namamato’t nanghahagis ng mga pangako
Dahil sa
takot akong mapako
Natatakot
akong hindi ko kayang mapanindigan ang mga panata ko
Pero ang
lubusang kinatatakutan ko ay yaong makapagdurugo ng puso
Dahil sa
mala-panang pangako na itinanim at pinayayabong sa puso’t isip mo
Na hindi ko
naman kayang tupari’t panindigan
Minahal
kita (J.P.A.), hindi dahil sa kung sino ka
O sa kung
anong mayroon ka
Minahal
kita dahil sa taglay mong pambihira
Na kalian
ma’y hindi ko nasilaya’t nadama sa iba.
Hindi man
ako yaong tipo ng nilalang na mamahalin mo
Ako naman
‘yung uri ng taong handing ipagsigawan sa buong mundo
Ang tunay
na nararamdaman ko para sa’yo
Ipagkaloob
mo lang ang matamis mong OO
Pangakong
mamahlin, iingatan at pahahalagahan kita
Nang higit
pa sa buong buhay ko.
Tandaan mo
tatlong bagay lang ang kailangan ko sa buong buhay ko
Araw para
sa umaga
Buwan para
sa gabi
At ikaw
para sa nalalabing bahagi ng buhay kong ito.
Kaya nga
napagtanto ko na kung bibigyan ako ng pagkakataong pumili
ng isang
araw para makasama ka
Pipiliin ko
talaha ang araw ng SUNDAY
Kasi kung
isasalin natin ito sa FILIPINO
Ang “SUN”
ay nangangahulugang “ARAW”, gayon din ang “DAY” “ARAW” rin ang
siyang ibig na ipagpapakahulugan
Sa madaling
sabi, “ARAW-ARAW” kitang gusting makasama
Pagliyag na
di malulukuban ninuman at ng ano pa man
Magsisilbi
itong susi na siyang magbubukas sa pintuang nakaharang
Sa pagitan
ng matimyas nating pag-iibigan
Nagyon,
bukas at magpakailan man
# GOD IS
LOVE
Comments
Post a Comment