"SIMOY NG HANGIN"


“Simoy ng Hangin”
ni: Olifoet S. Ortaucilav
Lamig ng hagupit mo’y sa’ki’y umaakay
Sa pagkalugmok ko’y naging sandala’y ikaw
Buhay ma’y abuting pamahayan ng tanglaw
Simoy na kaloob mo’y siya kong nagging ilaw

Mundo ma’y tumigil sa pag-inog
Kung ang pagsuyo mo’y sa’kin ipahgkaloob
Kahit puso’y sa kahapisa’y ilulunod
Timyas ng pagkalinga mo’y siya kong naging bantayog

Palaso mang hapong-hapo ng lason
Sa’yong kandungan kaligtasa’y siya mong pabaon
Tangayin man ng naghuhulagpos at mabalasik na alon
Sa paanan mo, kalooba’y nagpamalas ng pagkamahinahon

Nang ika’y nananahanan sa puso ninuman
Aking napagtanto’t napagninilay-nilayan
Sa mapusok na kapalara’y h’wag makipaghidwaan
Sulsol ng kaliluha’y buhay siyang kabayaran

Sa kabululuha’t kapakinabangang handog ng karayom’t sinulid
Napagtagpi-tagpi yaring suliraning maihahatid
Paggawa ng kabalintunaa’t hitik ng ganid
Kasawia’y siyang maisadidibdib

Sa malamig na simoy mo, hanging mahabagin
Pagsusumamo ng madla nawa’y pakaramhin
Kalumbaya’t poot nitong puso’y tibagin
At sa kaalapaapang ‘di-maabot-tingin
Tutugtugan ka ng mga ulap, haharanahin ka ng mga bituin.

#GOD IS LOVE



Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)