DU30: TUNAY NA PAGBABAGO


Duterte: Tunay na Pagbabago”
ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr.

Humigit-kumulang 3 dekada
Bayang sinisinta, puri’y ginupok at inalipusta
Nang malalapad- papel na oligarkiya’t elitista
Na ang sinasamba’y posisyon, kapangyariha’t pera

Kapangyarihan nila’y bituin sa gabing madilim ang kapara
Kahit teknolohiya’t mga hatirang pangmadla
Kanilang binayaran, binabayaran, namamanipula’t minamanipula
Sa layuning maikubli marurumi’t mababahong pinagagawa nila

‘Di maliparang-uwak impluwensiyang hatid nila
Kaya’t sila mismo animo’y pulutong na di marapuang-langaw sa mata ng balana
Pansariling interes, napalalago nang sobra
Hinaing ng sangkatauha’y sa tubig inilista’t isinantabing kawangis’y basura

Mga haliging-panlipunang taong bayan dapat ang paglilingkuran
Ano baga’t sila ngayong nagpakasasarap at pinaglilingkuran!
Ang panatang mamamaya’y taos pusong paglilingkuran, ‘pag sila sa puwesto’y inihalal
Panatang pinamimitawa’y sadyang inukit upang sirain, dustahi’t  sa tubig’y isatitik lamang

Mga gahamang mayayama’y mas lalong yumayaman
Mga maralita’y nag-iibayo’t nag-iigting angking kahirapa’t kahikahusan
Sa kasagsagan ng mapanlilong kapanahuna’t kapalaran
Mahihinuhang ika’y naihahanay sa pipitsuging langgam na nakatingala sa kaalaapang di-maabot-tanaw
Subalit pagkatatao’y dumating nang hindi inaasahan
Ihip ng hangin, nagbago’t dala’y pag-asa’t kasaganaan
Kaalinsabay nito’y paglitaw ng ‘sang bayaning mula’t tubong Mindanao
Tagatuwid ng kabaluktuta’t tagatama ng kamalian

Bantog sa palayaw na agila ng Davao
Kapagka angkin niya’y kamaong malabakal
Mandaragit ng mapanghasik-lagim na kampon ng lipunan
Walang sinasanto ni kinaaawaan basta’t napatutunayang nilapastanga’y yaring batas-panlipunan

Taguri sa  kaniya’y dakilang ama ng bayan
Kapagka sa kaniya binuhos buong tiwala ng mga tala sa kaalapaapan
Nagniningning malasakit niya’t  paninindigan
Na kapuwa iniuukol sa ‘di-mahulugang karayom na lupon ng sangkatauhan  

Korupsyon, kahirapan, droga’t kriminalidad kaniyang wawakasan
Pangarap at pangako niyang ipinunla sa puso’t diwa ng sambayanan
Upang maibalik puri’t dangal nitong inang bayang matagal ng pinagsamantalahan
Katapangang-angkin ‘di basta-basta natutumbasan ni malalamangan

Bawat busog ng malapalasong katagang kaniyang binibitawan
Nakaangkla’y hinaing ng ‘di-mahulugang-karayom na lipon ng sambayanan
Kaya’t buksan yaring puso’t isipan pananahanin angkin niyang malasakit, kabayaniha’t tapang
Bukod-tanging inihandog sa mamamayang inalayan, inaalaya’t aalayan ng kaniyang buhay

Kamalia’y naisatatama, naitutuwid yaring kabaluktutan
Kapagka hangad niya’y bagong-bihis na lipunan
Lipunang malayo sa mandarambong, mapanlilo, mapanghusga’t mapang-aping nilalang
Na namumukod-tanging ehemplo ng pagbagsak ni ng masaklap na kasawian

Pagtagpi-tagpiin samut-saring kaganapan ng madugong kasaysayan
Bakasing muli, pagdurusang dinanas sa kuko ng malupit na dayuhan
Yao’y sinuri’t hinimay ng amang tunay na malasakit siyang iniaalay
Sa lipunang hinihiyaw’y katarungan, kadalisayan, kasaganaa’t kaginhawaan

Sa lupit at bagsik niyang taglay, sinasagasaan oposisyong sa daraana’y nakaharang
Oposisyong hangad ay patalsikin siya sa kapangyariha’t gunawin pagbabago niyang sinimulan
Animo’y kulisap, unti-unting lumalagapak sa init ng lamparang-ilawan
Udyok ng nag-uumapoy  na martilyo’t bakal niyang kamay

Sa tunay malasakit namumukod-tangi ka mahal na pangulo
Sa angking mong katapangan napalalambot lahat ng gahama’t tigasin ang ulo
Pag-asa ka ng mga mamamayang Pilipino
Sa mga kamay mo nakasandal at nakasalalay minimithi’t inaadhika naming pagbabago

#GOD BLESS MR. PRESIDENT
#GOD BLESS THE PILIPINO PEOPLE
#GOD BLESS THE PHILIPPINES

#GOD IS LOVE










Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon"

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)