Posts

Showing posts from 2019

ULAN

“ULAN” ni: TEOFILO S. VALICUATRO JR. Sa bawat patak ng luha mo sinta Sa’king katawan kaloob ay ligaya Kapara’y paglingap ng ‘sang butihing ina Nitong puso’t diwa’y nananatiling sariwa’t masagana Umabot man sa yugtong sarili’y dustang-dusta na Sa hamog na angkin mo kaakuha’y nananariwa Na animo’y halakhak ng isang ulirang ina Na lumilingap sa mumunting prinsipe’t prinsesang karugtong ng buhay niya Kabuluha’t kahalagahan ng buhay ay ano baga? Kung ang esensiya’t presensiya mo’y tahasang mawawala Kapara’y makulimlim na kaalapaapang kinamumuhian ng mga tala Kawangis ri’y malawig na kagubatang kinalbo’t sinunog ni hindi kinalinga Kaya kung ika’y ipagkakait ng mapanudyong kapalaran Handang talimahin ang lahat masunod ka lamang Yamang ika’y nagsilbing inspirasyon nitong aking kapanglawan Ngipin ng kidlat ni ng mga bilyako sisikaping maigpawan Ikaw may hinubog sa apat na titik lamang Subalit bayani kang maituturing ng kahit sinong nilalang Ba

KABATAAN, HUMAYO'T MISYO'Y ISAKATUPARAN (Filipino Youth in Mission: Beloved, Gifted, Empowered)

“Kabataan, Humayo’t Misyo’y Isakatuparan” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. I.                     Sa bawat pag-inog nitong sanlibutang mahal Lahi ng kabataa’y siyang masasalami’t masasasaksihan Kawangis ay payasong sa pigi’t pagtitipo’y nagtatanghal Handog ay lugod at galak sa mapaglingap at masintahing inang bayan II.                    Kung may tagsibol, mayroon ding taglagas Pagkakaroon ng simula’y may kaakibat na wakas Katanghalian ng buhay, paglulundua’y buhay-karapit-hapunan Salaming nagpahihiwatig ng kasalata’t kasaganaan III.                 Kabataan, tinurang kasalata’y siyang dapat na malinang at mapunan Kasaganaang isinawalat, gawing ehemplo’t tuntungan Paigtingin ang buhay at pag-ibayuhin ang tapang! Gabundok na hamo’t suliranin kayo’y ‘di malulupig ni mahahadlangan IV.                 Humayo kayo’t misyon niyo’y simula’t isakatuparan Talentong kaloob, gamitin nang makabuluhan Kapuwa magaa’t mabigat na tungkulin, dapat ay magampanan

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

“Tula Para Sa’yo Aking Sinta” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Mahalimuyak na ngiti ng araw Bukod-tanging tinutura’y ikaw Sa naidlip na pagsinta’y   uhaw na uhaw Pagsintang walang halo’t tanging sa’ iyo’y   nakahalaw Tatlong masukal na kabundukan Sama-sama nating   tinahak, tinibag at napagtagumpayan Damhin mo’t sa’yo’y aking ituturan Oktubre, Disyembre’t Enerong handog ay kagalakan Distansiya ma’y namagitan sa’ting dal’wa Gabundok na balakid, hamon, suliranin, ni temtasyo’y ‘di makagigiba Pagkat kapuwa puso nati’y binigkis ng Diyos Ama Gamit ang kapangyarihan ng pananampalataya Tunay ngang palaso ni kupido’y may angking lasong nakahahalina Pagkat sa bawat pananahong dadalaw ka sa’king gunita Puso animo’y payaso nagtatampisaw’t nagpakalunod sa kalautan ng ligaya Ligayang ikaw lang aking irog ang nakapagpadarama Sadyang napakalalim man ng mga imahe, simbolismo’t tayutay Pero ‘di nito kayang higitan ang pag-ibig na sa’yo’y iniaalay Kapara’

SPOKEN POETRY

“Spoken Poetry” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Sa lahat ng nagmahal pero sinaktan Sa lahat ng seryoso pero patuloy na niloloko Sa lahat ng paasa, umasa’t pinaasa Sa lahat ng tiwala subalit binalewala Karma’y pakatawagin nawa Upang sila’y patawan ng nagbabaga’t nag-uumapoy na parusa konsekwensiya Ako’y nagpakadalubhasa sa laranga’t disiplina ng pagpapakatanga Sa maalindog na dilag na inaandukha ko sa tuwi-tuwina Puso’t tiwala sa kaniya’y pinalasap nang sobra Pero anong isinukli? Iniwan niyang nagdurusa’t nag-iisa Sa t’wing sumasagi sa’king isipan Maririkit na gunita ng kahapong nagdaan Puso’t diwa’y lumiliyab-liyab at unti-unti nagugunaw Sa tindi ng hapis at kapighatiang aking pinagdaraanan sa kasalukuyan Kung babakasing muli katamisan ng pagsinta Isang katanungang namamayani’t namumutawi sa’king isipan tuwina Bakit sa dinami-rami ng sakit sa mundo yaon pang AIDS na mayroon ako “ Y un bang A -koy I -nlove D -ahil S -a’yo Pagiging inlove n

"SIMOY NG HANGIN"

“Simoy ng Hangin” ni: Olifoet S. Ortaucilav Lamig ng hagupit mo’y sa’ki’y umaakay Sa pagkalugmok ko’y naging sandala’y ikaw Buhay ma’y abuting pamahayan ng tanglaw Simoy na kaloob mo’y siya kong nagging ilaw Mundo ma’y tumigil sa pag-inog Kung ang pagsuyo mo’y sa’kin ipahgkaloob Kahit puso’y sa kahapisa’y ilulunod Timyas ng pagkalinga mo’y siya kong naging bantayog Palaso mang hapong-hapo ng lason Sa’yong kandungan kaligtasa’y siya mong pabaon Tangayin man ng naghuhulagpos at mabalasik na alon Sa paanan mo, kalooba’y nagpamalas ng pagkamahinahon Nang ika’y nananahanan sa puso ninuman Aking napagtanto’t napagninilay-nilayan Sa mapusok na kapalara’y h’wag makipaghidwaan Sulsol ng kaliluha’y buhay siyang kabayaran Sa kabululuha’t kapakinabangang handog ng karayom’t sinulid Napagtagpi-tagpi yaring suliraning maihahatid Paggawa ng kabalintunaa’t hitik ng ganid Kasawia’y siyang maisadidibdib Sa malamig na simoy mo, hanging mahabagin Pa

"PARAISO"

“PARAISO” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. TANDAAN: “Inang kalikasa’y pakamahali’t   pakaingatan, ito’y ‘sang biyaya, utang na loob, at namumukod-tanging pamana ng Poong Maylalang; Nalalabing kahihiya’y gawing ehemplo sa pagsatatama ng mali’t pagsatutuwid ng kabaluktutan; Gawing huwaran ang sarili sa pamamagitan ng pag-iwas sa maling gawai’t makamundong adhikain, at   paggawa ng kabutihan; Kasiyaha’t adyahan ka nawa ng mahal na Panginoon: ngayon, bukas, at magpakailan man” I.                     Sa tuwi-tuwina angking kaalindugan mo sinta Nitong puso’t diwa’y nakaukit at nakapinta Animo’y kislap ng mapanghalinang perlas sa gitna ng sigwa Nakawawalang-pagod, hapis, at pagkabalisa II.                  Dagat mang pinamamahayan ng malagintong nilalang Namumuhay nang payapa, malayo sa karahasa’t puno ng kadalisayan Kapara’y buhay kong hanap-hanap ay sinag ng ‘yong kaalindugan Na siyang umaakay at nagbigay-tibay sa kabila ng nakasisindak-palasong suliraning ‘

MAHAL KITA

  “Mahal Kita” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Dal’wang katagang hinubog ng siyam na letra Naimbento nitong puso mula nang nasilayan ka Kung iyong pakahimayi’y nalulukuban ng hiwaga Sa buong buhay mo’y minsan lang madarama Palasak na linyang napakadaling sambitin Ginawang libangan ng mga mapaglubid-buhangin Sobrang-hirap naman kung patutunaya’t gagawin Sa panig na may hitik ng senseridad at malinis na hangari’t adhikain Mga mahalimuyak na katagang singkinang ng mga bituin Mga ngiti’t tinging makalaglag-matsing Mga tawang animo’y mala-payasong kampupot sa hardin Kaloob ay ligayang halaw sa papawiring ‘di maabot-tingin ‘Di maipaliwanag namumuong nadarama Kapagka bugso ng damdami’y pinamayanihan ng kaba Mala-tanikalang katagang sa puso’y ibinuga-buga “Mahal Kita, Mahal… na… Mahal… Na… Mahal… Kita!” Pagmamahal na sa’yo lang nakita Pagmamahal na sa’yo lang nadarama Pagmamahal na gustong-gusto kong ipagkait mo sa iba At higit sa lahat, pagm

"Kaluwalhatian"

“KALUWALHATIAN” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Kaba, takot, panginginig, pangangamba, hapis at pagkabalisa Emosyong sa ’ki’y nagpahina’t nagpalugmok nang sobra Bawat araw na lumipas animo’y halamang nalalanta na ‘di nabubuhay     hangga’t hindi nadidiligan ng luha Luhang kung minsa’y nagsisilbing kalasag nang sa gayo’y maibsa’t   maisatala sa tubig   yaring sakit na nadarama. Buha’y kung minsa’y hitik na hitik sa kahiwagaan Kahiwagaang kalimitang hatid ay puro kalituhan Kalituhang siyang kikitil sa kapayapaan ng puso’t isipan Puso’t isipang sadyang napakamalabalat-sibuyas sa lahat ng bagay Datapwat kung ating pakahimayin,   kung mayroong sakit mayroong saya’t ligaya Kung mayroong pagkasasala, mayroong pagsisi’t pagdurusa Kung mayroong pagkabigo, may pagkapanalo Kung mayroong kapanglawan mayroon ding kaliwanagan Yaring perspektibo kung ating pagdidikit-kiti’t pagtatagpi’t tagpiin Lahat ng umusbong nalalagas na anaki’y asin, natutunaw kapag sa tubig i

Kalikasan: Lingapi't Pakamahalin

  “Kalikasan: Lingapi’t Pakamahalin” ni: Olifoet S. Ortaucilav Jr. Buksan yaring naghuhumilik na puso’t isipan Aninawi’t aninagin angking ganda ng kalikasan Bumuo ng repleksiyo’t ibayong paninindigan Kung tama bang ito’y pabayaan, dustahi’t hamaking tuluyan “Tiyaking maisapaa angking sapatos ng iba, Upang maging mulat ka sa naramdaman, nararamdama’t mararamdaman nila,” Ang kapabayaa’t paniniil mo nitong inang kalikasan nawa’y maigpawan na “Wika pa ngang “sa langit lumura sa mukha tumama” Punlahi’t itanim sa isipang bagong silang Kalingahi’t payabungin sa puso mong mapagdamdam Ang naglalakad nang mabagal kung matinik ay mababaw At ang naglalakad nang matulin kung matinik ay malalim Desisyo’t paninindigan iukit nang may katiwasayan Nang hindi magbadya ng mapusok na kahihinatnan Kalikasa’y ingata’t gawing sandalan Puso’t Kalooba’y buksan nang mataimtiman Sa oras ng kalamidad kaakbay yaring kalikasan Pagguho ng lupa lagi niyang pinipigilan