"Ugat ng punong kahoy na malabay ang taos-pusong pagmamahal, kapagka habang tumatagal, ito'y patibay nang patibay. Daanan man ng malupit na hagupit ng bagyo't ula'y mananatili itong nakatayo nang lipos ng katatagan-ngayon, bukas, at magpahanggang sa libingan man!" "Saan Ka Man Pumaroon, Ako Sinta'y Naroroon!" _Teofilo S. Valicuatro Jr. I. Kung sa durungawan ng bahay niyo sa tuwi-tuwina'y may dumarapong paruparo lumilipad nang labas-masok, tangan-tanga'y pagsuyo 'pag napapawi nito ang lumbay sa'yong puso.... Giliw, iya'y AKO! II. Kung sa'yong paglalakad tungong paaralan ika'y may nadaraanang ibong sari-kulay na ang isinadidila'y maririkit na "Kundimang" salamin ng pag-iibig, nating pulot-pukyutan.. Iya'y AKO, Hirang! III. Kung ika'y dumarako sa mga liwaliwang pook nang ang pagod ay mapawi't sa ligaya'y mapupuspos at may 'sang bulaklak na ang anyo'y kalugud-lugod na 'pag ...
Comments
Post a Comment