"Kabataan"

ni: TEOFILO S. VALICUATRO JR.

Tinaguriang pag-asa ng kinagisnang bayan,Imahe ng palubog-pasulong na estado ng buhay.Puso't diwa'y kailangang mapagtirikan,Ng malagintong gawi't akmang kaasalan.

Pundasyong pinagmulan, 'pag 'di napagtibay,Titibagin yaring pangarap na asam-asam.Ulira't mapagkalingang mga magulang,Humayo't kabataa'y sa disiplina'y pangaralan.

Segu-segundo't minu-minutong magsisipag-inugan,Kabataan, sa panaho'y 'di dapat mapag-iwanan.Iukit sa kanilang puso't isipan,
Kasamaa't kabalintunaa'y kailangang lipuli't maibsan.

Sila'y ehemplo't inspirasyon sa susunod na salin-lahi,
Tiyaking mapamayani ang wastong pag-uugali.
Sa kadakilaa't kasarinlan, magsisilbi itong susi,
Na walang makatitibag ni makagagapi.

Kabataan sa katuwaa'y kapag namihasa,
Tiyak na mangangapa sa kaunusa't malawakang sigwa.
Turuang tumayo sa sariling mga paa,
Nang sa laot ng sakuna'y hinding-hindi matatangay ni magigiba.



Comments

Popular posts from this blog

TULA PARA SA'YO AKING SINTA

"Hayaan Mong Mahalin Kita sa Paraang Alam KO" (H.M.M.K.S.P.A.K)

"Sa Durungawan ng Kahapong Nagdaan, Dumungaw Ka Aking Mahal"