Posts

Showing posts from February, 2020
"Kabataan" ni: TEOFILO S. VALICUATRO JR. Tinaguriang pag-asa ng kinagisnang bayan, Imahe ng palubog-pasulong na estado ng buhay. Puso't diwa'y kailangang mapagtirikan, Ng malagintong gawi't akmang kaasalan. Pundasyong pinagmulan, 'pag 'di napagtibay, Titibagin yaring pangarap na asam-asam. Ulira't mapagkalingang mga magulang, Humayo't kabataa'y sa disiplina'y pangaralan. Segu-segundo't minu-minutong magsisipag-inugan, Kabataan, sa panaho'y 'di dapat mapag-iwanan. Iukit sa kanilang puso't isipan, Kasamaa't kabalintunaa'y kailangang lipuli't maibsan. Sila'y ehemplo't inspirasyon sa susunod na salin-lahi, Tiyaking mapamayani ang wastong pag-uugali. Sa kadakilaa't kasarinlan, magsisilbi itong susi, Na walang makatitibag ni makagagapi. Kabataan sa katuwaa'y kapag namihasa, Tiyak na mangangapa sa kaunusa't malawakang sigwa. Turuang tumayo sa sariling mga paa, Nang sa

Paalaala

Tandaan: "Gaano man kabigat ang iyong pasanin sa buhay, Ito'y naging magaan kapag pinagtutulungan. Kumilatis ng katotong-irog na mapagkatiwalaan, Upang buhay sa kapusikita'y maiangat at mailalawan."