Posts

Showing posts from 2020
"Kabataan" ni: TEOFILO S. VALICUATRO JR. Tinaguriang pag-asa ng kinagisnang bayan, Imahe ng palubog-pasulong na estado ng buhay. Puso't diwa'y kailangang mapagtirikan, Ng malagintong gawi't akmang kaasalan. Pundasyong pinagmulan, 'pag 'di napagtibay, Titibagin yaring pangarap na asam-asam. Ulira't mapagkalingang mga magulang, Humayo't kabataa'y sa disiplina'y pangaralan. Segu-segundo't minu-minutong magsisipag-inugan, Kabataan, sa panaho'y 'di dapat mapag-iwanan. Iukit sa kanilang puso't isipan, Kasamaa't kabalintunaa'y kailangang lipuli't maibsan. Sila'y ehemplo't inspirasyon sa susunod na salin-lahi, Tiyaking mapamayani ang wastong pag-uugali. Sa kadakilaa't kasarinlan, magsisilbi itong susi, Na walang makatitibag ni makagagapi. Kabataan sa katuwaa'y kapag namihasa, Tiyak na mangangapa sa kaunusa't malawakang sigwa. Turuang tumayo sa sariling mga paa, Nang sa...

Paalaala

Tandaan: "Gaano man kabigat ang iyong pasanin sa buhay, Ito'y naging magaan kapag pinagtutulungan. Kumilatis ng katotong-irog na mapagkatiwalaan, Upang buhay sa kapusikita'y maiangat at mailalawan."

Kaibigan

PAKATANDAAN: Sa pagpili ng kaibigan dapat laging pakatandaan talimain yaong bulong ng puso't isipan. Laging isaalang-alang na kung minsan kahit ang kaliwang kamay ay tinataga rin ng kanan  kaya siguraduhing wala kang mapagsisisihan nang sa gayo'y sa bandang huli hindi ka masasaktan dahil sa ginawa mong maling hakbang.